Cabinet members at mga Kongresista, ido-donate ang sahod upang makalikom ng karagdagang pondo para sa COVID-19 operations

  • Ibibigay ng mga kongresista at cabinet members ang kanilang sahod para sa mga programa ng pamahalaan kontra C0VID-19
  • Ito ay ayon sa magkahiwalay na pahayag nina CabSec Karlo Nograles at House Speaker Alan Peter Cayetano
  • Target nilang makalikom ng P50 milyon hanggang P100 milyon na malaking tulong sa ating pamahalaan

Tuloy-tuloy ang bayanihan ng mga Pilipino upang tuluyang masugpo ang C0VID-19. Mula sa mga simpleng mamamayan hanggang sa mga kilalang personalidad, ay may kanya-kanyang diskarte para makapag-abot ng tulong sa mga kababayang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) at para sa ikagagaan ng trabaho ng mga frontliners.

Ngayon naman, ang mga miyembro ng gabinete at mga kongresista ang magbibigay ng personal na tulong para sa mga proyekto ng bansa para sa C0VID-19. Inanunsiyo nina Cabinet Secretary Karlo Nograles at House Speaker Alan Peter Cayetano na ibabahagi ng mga cabinet members at mga representatives ang kani-kanilang mga sahod para sa buwan ng Mayo.

Larawan mula sa PNA

Ayon sa pahayag ni Nograles sa isang online press conference, 75 percent daw ng sahod ng karmihan sa mga cabinet members ang nakatakda nilang ibahagi. Ito raw ay bilang tulong nila sa pamahalaan sa panahong ipinatutupad ang bansa ang Bayanihan Law.

“Nais din nating ipagbigay-alam na karamihan, majority ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi, 75 percent ng kanilang buwanang sahod, upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang C0VID-19 sa loob ng panahong pinapatupad ang Bayanihan Law,” pahayag ni Nograles.

Samantala, nasa 200 kongresista na raw ang nagkumpirma na ibibigay nila ang kanilang buong buwang sahod upang makalikom sila ng P50 milyon para karagdagang pondo ng bansa sa mga programa kontra-C0VID.

“Almost 200 congressmen will donate our full sweldo ng May. Ang initial target ay P50 million. We want to use the money where it will be most effective,” pahayag ni Cayetano sa isa ring online interview.

Larawan mula sa PNA

Dagdag pa ng House speaker, ang donasyon ay maaari pang masundan at kung kakailanganin daw ay nakahanda rin silang i-donate ang kanilang sahod para sa buwan ng Hunyo.

Target din umano nina Cayetano na makalikom ng P100 milyong piso sa tulong na rin ng kanilang mga kaibigan.

Loading…