CabSec Karlo Nograles, emosyonal sa tribute video para sa frontliners

Imahe mula sa YouTube | Wowowin
  • Hindi napigilang maluha ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nang mapanood ang tribute video ng Tutok To Win para sa frontliners
  • Ipinakita rito ang mga frontliner na hindi magawang mayakap ang kanilang mga mahal sa buhay
  • Ani Nograles tanggap nila ang pambabash sa kanila ngunit sana ay maintindihan ng mga mamamayan na hindi madali ang laban sa COVID-19

Naging emosyonal si Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos na panoorin ang ginawang tribute video para sa mga frontliners ng online episode ng Wowowin na Tutok To Win.

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

Pinagsama-sama rito ang mga video ng frontliners na hindi magawang yakapin o lapitan man lang ang kanilang mga anak dahil sa pangambang mahawaan ito ng COVID-19 dahil araw araw silang nasa labas. Sa huli ay ipinakita nila ang larawan ng mga pumanaw na health workers dahil sa virus.

Ani Nograles, sinasalamin nito ang pinagdaraanan ng mga frontliners sa bawat araw. Nasasaktan daw siya sa sitwasyon nila ngayon, lalo na ng mga pulis na itinuturing pang kaaway ng iba kahit ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang tungkulin.

“Ginagawa natin ang lahat. Nakita ko yung sa mga pulis, naawa talaga ako… Tapos hirap na nga ng buhay, hirap na nga ng trabaho, tapos ginagawa pang kalaban,” sabi ni Nograles.

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

“Lahat ‘yan may pamilya, lahat ‘yan may anak. Yung banta sa buhay nila, yung kaligtasan nila, sakripisyo para sa atin. Mahirap, mahirap, naawa ako sa kanila.”

Paalala niya rin, hindi immune ang mga ito sa sakit kaya sana ay makipagtulungan ang mga mamamayan sa pagsunod sa social distancing at pananatili sa bahay.

“Kung maaari, tulungan natin sila dahil hindi naman Superman ang mga ‘yan e. Nagkakasakit, nagkaka-COVID, namamatay. Hindi porke pulis ka, bawal magkasakit, bawal mamatay… ‘Yung mga sundalo natin, lahat yan nagsasakripisyo para sa ating lahat,” dagdag niya.

Nang tanungin tungkol sa mga pambabash na kanilang ay sinabi ni Nograles na bilang government workers ay kaya nilang tanggapin ang mga ito ngunit sana raw ay maintindihan nila na hindi madali ang laban sa COVID-19.

Source :

GMA News, YouTube

Loading…