Caloocan health chief, positibo sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Oca Malapitan
  • Positibo sa COVID-19 ang pinuno ng Caloocan City Health Department
  • Kasalukuyan na itong sumasailalim sa quarantine at wala raw itong nararanasan na sintomas ng virus
  • Sinigurado naman ng alkalde na susuportahan nila ang doktor at maging ang iba pang mga frontliner sa lungsod sa kanilang pakikipaglaban sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang pinuno ng Caloocan City Health Department.

Imahe mula sa Facebook | Oca Malapitan

Sa opisyal na pahayag ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan, sinabi niyang sumailalim ang doktor sa swab test noong April 9 alinsunod sa Memorandum No. 2020-0151 ng Department of Health na nag-uutos sa mga health workers na sumailalim dito may sintomas man o wala.

“Nang nagpatest ang nasabing doktor, siya ay ‘asymptomatic’ — o walang nakikita o nararamdamang sintomas ng nasabing sakit at walang unprotected known exposure,” sabi ni Malapitan sa pahayag.

Hanggang ngayon ay asymptomatic pa rin ang doktor at sumasailalim na sa quarantine. Gayunpaman ay patuloy nitong ginagampanan ang kaniyang tungkulin  sa pamamagitan ng telepono at iba pang digital connections.

“Hindi niya ninais ang nangyari sa kanya. Subalit siya ay bukas loob na naninilbihan sa bayan ng Caloocan sa kabila ng banta ng sakit sa kanya at sa kanyang pamilya,” ani Malapitan.

Imahe mula sa Facebook | Oca Malapitan

“Pinili niyang pumasok sa trabaho at gampanan ang tungkulin sa kabila ng panganib na hinaharap niya at ng mga kasamahan niyang frontliners. Siya ay dapat pasalamatan sa kaniyang katapangan.”

Sinigurado rin niyang susuportahan ng lungsod ang doktor at ang kaniyang pamilya, maging ang iba pang mga frontliners.

“Nais ko pong ipabatid sa lahat ng mga doktor, nurses at iba pang frontliners na nandito ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para suportahan, tulungan at kalingahin sila sa kanilang paggampan ng kanilang mga tungkulin. Makakaasa po kayo na dito sa Caloocan, hindi po namin kayo pababayaan.”

Sa kanilang update 7 p.m. noong April 15 ay sinabi nilang may 88 kumpirmadong kas0 na ng COVID-19 sa lungsod.

 

Loading…