Carol Banawa, isa sa mga COVID-19 frontliners sa US

Imahe mula sa Instagram | Carol Banawa
  • Ibinahagi ng singer na si Carol Banawa ang ginagawang preparasyon bilang frontliner sa US
  • Magsisimula na raw siyang tumulong at mag-train sa ibang mga unit upang paghandaan ang mas maraming kas0 ng COVID-19
  • Isang registered nurse si Carol sa US

Isa ang singer na si Carol Banawa sa mga itinuturing na frontliner sa pakikipaglaban ng US sa COVID-19 dahil nagtatrabaho siya roon bilang nurse.

Imahe mula sa Instagram | Carol Banawa

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niyang malilipat siya sa ibang unit upang tumulong at mag-train bilang paghahanda sa mas maraming kas0 ng COVID-19.

“New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks. Preparing for the incoming surge of COVID patients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go,” ani Carol sa kaniyang Instagram post kalakip ang larawan niya habang nakasuot ng face mask at face shield.

Sa isang panayam sa Metro, sinabi niyang tila nasa isang palabas sila at bigla na lamang may sisigaw ng “Cut!”

“It’s eerily quiet at work and people are very cautious. You can sense the fear and uncertainty sa mga tao… It feels like you’re in a movie or something. Parang may sisigaw ng ‘cut!’ but it’s happening and the virus is real,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Carol Banawa

Kabilang si Carol sa Metro Safe and Sound Unplugged Music Video series na ginanap para sa Pantawid Pag-ibig ng ABS-CBN.

Naglalayon ito na makalikom ng pondo sa mga pinakaapektadong pamilya dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa ABS-CBN News, taong 2018 nang magtapos si Carol bilang summa cum laude sa kursong nursing sa Northern Virginia Community College sa Washington DC. Naaging registered nurse din siya noong taong iyon.

Kilala si Carol sa mga hit song niya Iingatan Ka at Bakit Di Totohanin. 2000s nang magsimula siya ng bagong buhay sa America kasama ang asawa. Ngayon ay may dalawa na silang anak.

Loading…