Cavite, malapit nang maubusan ng pondo para sa food aid

  • Pondo ng Cavite para sa relief goods kasya na lang para sa dalawang linggo
  • Humiling si Cavite Gov. Jonvic Remulla sa Pangulo na tulungan din ang mga middle class families
  • Sinabi ng Pangulo na makatwiran ang hiling ng gobernador, subalit kailangan pang maghanap ng karagdagang pondo para rito

Matapos palawigin ng pamahalaan ang Luzon-wide enhanced community quarantine hanggang sa ika-30 ng Abril, nagpahayag ang gobernador ng Cavite na ang natitirang pondo ng probinsya para sa relief goods ay kasya na lang para sa dalawang linggo.

Imahe mula sa Instagram account ni Gov. Jonvic Remulla

Ipinahayag ni Gov. Jonvic Remulla nitong Martes, ika-7 ng Abril, na sa loob ng tatlong linggo simula nang ipinatupad ang enhanced community quarantine ay nakapagpamahagi na ang pamahalaang panlalawigan ng 150,000 food packs.

“We have depleted maybe two-thirds of our capacity and we have probably 2 weeks of rations left to give away,” anang gobernador.

“We’re gonna have to be creative, we’re gonna have to realign some of our funds,” sambit ni Gov. Remulla nang tanungin kung ano ang planong gawinng pamahalaang panlalawigan sa sandaling maubos na ang pondo para sa relief goods.

Sabi pa ni Gov. Remulla, maraming mga local government units ang magkakansela ng kanilang mga development programs dahil napunta na ang halos lahat ng pondo sa emergency response program dahil sa health crisis.

Muling binanggit ni Remulla ang nauna niyang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang mga residenteng itinuturing na middle class sa social amelioration package ng pamahalaan. Aniya, ang lahat ay apektado ng COVID-19 crisis, hindi lang ang mga mahihirap.

Imahe mula sa Twitter

Dapat din umanong mabigyan ng ayuda ang middle class families.

“There has to be a realization that the suffering of the poor is the same as the suffering of the middle class and we have to find a way to help them too,” aniya.

Sabi pa niya, 35% lang ng mga Caviteño ang nabigyan ng cash aid mula sa gobyerno at ito ay ang mga mahihirap na pamilya.

Aniya, ang savings ng mga middle class families ay naubos na rin sa loob ng tatlong linggo ng enhanced community quarantine. Nahihirapan na rin sila.

Makatwiran naman umano ang hiling ni Gov. Remulla na tulungan din ang mga middle class, ayon kay Pangulong Duterte, subalit kailangan pang maghanap ng karagdagang pondo.

Imahe mula sa PIA
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…