Childhood memories: Sumugod ka rin ba sa tindahan malapit sa paaralan?

  • Binalikan ng isang netizen ang kaniyang childhood memories batay sa isang artwork ng award–winning watercolor artist na si Ronnel Pascua
  • Ang artwork ay nagpapakita ng mga batang babae, na mahihinuhang magkakaklase o magkakaibigan, na nasa tapat ng isang tindahan
  • Ang tindahang ito na karaniwang malapit sa mga paaralan noon ay nagbebenta ng iba’t ibang bagay tulad ng kendi, laruan, gums, tau–tauhan, paper dolls, at iba pa na madalas na pinagkakainteresan noong araw 

Kung listahan din lamang ng “childhood memories” o mga gunita ng pagkabata ang pag–uusapan, tiyak na ang karamihan sa atin ay makapaglilista ng mga alaala mula sa paaralan. Halos buong panahon kasi natin noon ay inilaan sa paarala, mula Lunes hanggang Biyernes.

“Relate–much” ang mga netizens sa ibinahaging Facebook post ng isang nagngangalang “Rory Vito Cruz” matapos niyang ibahagi ang kaniyang childhood memories noon daw na nag–aaral pa siya, batay sa kalakip na artwork na likha ng award–winning watercolor artist na si “Ronnel Pascua” na pinamagatang “Pambata”.

Imahe mula sa Facebook | Ronnel Pascua

Makikita kasi sa artwork ang mga batang babae, na mahihinuhang magkakaklase o magkakaibigan, na nasa tapat ng isang tindahang nagbebenta ng mga kendi, laruan, gums, tau–tauhan, paper dolls, at iba pa na madalas na pinagkakainteresan noong araw na hindi pa uso ang paggamit ng mga gadgets.

“Memories of my childhood. During recess or on your way home from school, you can buy small packs/repacked candies, gums, toys, playing cards, even paper dolls. We had ‘bunutan’.  I don’t know the English equivalent. You pick a stub and aim to get the nicest prize. ‘Pabili po, Manong/Manang’ while tapping your coin on the counter,” ayon sa post.

Bagay na sinegundahan naman ng mga netizens na nakaugnay at namuhay nang mga panahong iyon. Ganiyan din ang kanilang mga karanasan.

Sabi ng isa, “Count me in… tapos ang uniform ko noon palaging marumi na sa hapon hehehe tapos lakad lang kami araw–araw.”

“Ako naman, naka–shorts sa loob ng palda, sakto para sa ‘Chinese garter’ tapos inaabangan ko rin yung sorbetero o nagtitinda ng dirty ice cream. In cone, cup or bun. My fave was cheese or mango,” turan naman ng isa.

Public Domain Image / Imahe mula sa Facebook | Ronnel Pascua

Pagbabahagi naman ng isa, “Those were our innocent days, no computers or cellphones enjoying our childhood playing piko, sipa, jack stone, tumbang preso and other games were you sweat, run, laugh enjoying company of siblings, cousins and friends.”

Ang watercolor artist na si Ronnel Pascua ay kasama sa mga nagwagi at naparangalan sa 13th National Painting Competition ng GSIS o Government Service Insurance System noong 2017. Ang kaniyang likhang “Moving up” ay itinanghal na ikatlong gantimpala para sa representational category. Kinikilala at hinahangaan ng mga nagmamahal sa sining ang kaniyang mga likha, na makikita sa kaniyang art gallery at personal na Facebook account.

Imahe mula sa Facebook  | Ronnel Pascua

Sa panahon ngayon, napakasarap alalahanin ng mga sandaling hindi pa komplikado ang lahat.

Ikaw, ano ang childhood memories mo?

Loading…