Chinese airlines nag-aalok ng plane tickets na singhalaga ng gulay upang makaakit ng mga travelers

  • Napakamurang tickets alok ng Chinese airlines upang makahikayat ng mga biyahero
  • Tinatawag na “bokchoy-price tickets” ang mga ito dahil singhalaga na lang ng gulay
  • May ilang airlines naman na ang offer ay “peace of mind” – anim na upuan sa presyong single seat upang ma-practice ang social distancing

Napakamurang plane tickets na singhalaga na lang ng gulay at multi-seat discounts ang alok ng mga Chinese airlines bago sumapit ang Labor Day – ang unang major holiday simula nang tumigil ang economic activities sa China dahil sa COVID-19 crisis.

Imahe mula sa China Airlines

Ayon sa Civil Aviation Administration of China, matapos makapagtala ng $5.6 billion na pagkalugi sa 1st quarter ng 2020 ang aviation industry ng bansa ay gumagawa na ito ng unang hakbang para makarekober ngayong nagluwag na sa pagpapatupad ng lockdown.

“With the government’s policy to restart work and factories, domestic flights are slowly resuming and China’s civil aviation market is beginning to warm up again,” ayon sa isang analyst ng Variflight, isang aviation data service company na nakabase sa China.

Batay sa datos ng Variflight, ang airline operations sa China ay bumagsak ng mahigit 80% sa pagitan ng dulo ng January at February. Nagsimulang makabawi ang domestic flights sa kalagitnaan ng Pebrero at ngayong ikatlong linggo ng Abril ay tumaas na ito sa halos 50% level bago nagsimula ang health crisis.

Sa ngayon, ang mga airlines ay naka-focus sa parating na Labor Day holiday simula May 1 hanggang May 5.

Imahe mula sa China Southern Airlines

Ang ilang airlines ay nag-aalok ng napakamurang plane tickets, na tinawag ng mga lokal na mamamahayag na “bokchoy-price tickets” dahil singhalaga na lang ng gulay, para sa domestic routes upang makaakit ng mga biyahero. Umaabot ng 90% ang discount na alok ng mga ito.

Ang iba naman ay nag-aalok ng buy-one-free-one ticket deals. May ilang airlines naman na nag-aalok ng family package para sa pamilyang may tatlo hanggang limang miyembro na sa halagang $680 ay maaari silang bumiyahe ng 12 beses sa loob ng isang taon.

Imahe mula sa Shenzhen Airlines

May ilang airlines naman na ang offer ay “peace of mind.” Multi-seat options ang alok nila sa mga pasahero. Ang isang pasahero ay bibigyan ng six empty seats sa presyo ng isang economy-class seat upang ma-maintain ang safe distance sa ibang pasahero.

Kasama na sa ticket price ang anti-virus pack na may face masks at anti-bacterial wipes.

Loading…