Chinese medical experts dumating na sa Pilipinas upang tumulong sa pagsugpo ng COVID-19

  • Medical experts mula sa China dumating na sa Pilipinas para tumulong kontra COVID-19
  • Ang medical team na dumating sa Pilipinas ay isa lang sa unang tatlong grupo na ipinadala ng China sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations
  • Ang Chinese medical team na dumating sa bansa ay kinabibilangan ng mga eksperto sa larangan ng infectious disease prevention and control, clinic treatment, at laboratory testing

Dumating na sa bansa nitong Linggo, ika-5 ng Abril, ang mga medical experts mula sa China na tutulong sa pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 outbreak.

Imahe mula sa DFA

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) na ibabahagi ng mga Chinese doctors ang kanilang personal na karanasan sa paglaban at pagpuksa ng coronavirus na nanalasa sa kanilang bansa.

“Appreciation and gratitude for a neighbor’s support to our country’s fight against the pandemic. Sec. Teddy Locsin welcomed today at NAIA the 10 medical experts and 2 officials from China to share technical advice on the prevention & control of COVID-19 in the country,” mensahe ng DFA sa Twitter.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian, ang medical team na dumating sa Pilipinas ay isa lang sa unang tatlong grupo na ipinadala ng China sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations.

Ani Ambassador Xilian, ang team na dumating sa bansa ay kinabibilangan ng mga medical experts sa larangan ng infectious disease prevention and control, clinic treatment, at laboratory testing.

Bukod sa medical team, muling nagpadala ang China ng mga medical supplies kabilang ang 300,000 surgical masks; 30,000 medical N95 masks; 5,000 medical protective suits; 5,000 medical face shields, at 30 non-invasive ventilators.

Imahe mula sa DFA

Lubos naman ang pasasalamat ni DFA Secretary Teddy Locsin, Jr. sa tulong ng China.

“To the Chinese people, thank you so much! We are so grateful because this is a new virus, and the only ones who can really tell us how to handle it are those who fought it on the ground and those are the experts in China,” ani Locsin.

Sabi pa niya, lubos na pinahahalagahan at hindi kailanman malilimutan ang tulong ng China.

Screenshot ng tweet ni Sec. Teddy Locsin, Jr.

 

Loading…