“Christ the Redeemer sa Brazil”, ginamit upang magbigay–pugay sa mga frontliners

  • Binigyang–pugay ng bansang Brazil ang lahat ng medical workers at frontliners sa buong daigdig
  • Nagsagawa ng misa sa paanan ng sikat na “Christ the Redeemer” na matatagpuan sa bundok Corcovado sa Rio de Janeiro
  • Binihisan ng kasuotang pandoktor ang estatwa at sa katawan nito ay ipinakikita ang mga videos ng medical workers gayundin ang bandila ng iba’t ibang bansa sa mundo, kabilang na ang Pilipinas

Ginamit ang sikat na estatwang  Christo Redentor o “Christ the Redeemer” sa Brazil bilang tribute sa mga medical workers at frontliners na lumalaban sa COVID–19 noong Abril 12, 2020 o Easter Sunday.

Isang espesyal na misa ang ginanap sa ibabaw ng ?Corcovado mountain? sa Rio de Janeiro kung saan nakatirik ang itinuturing na “most iconic tourist attraction” ng bansang Brazil. Binihisan ng kasuotang pandoktor ang estatwa at sa katawan nito ay ipinakikita ang mga videos ng medical workers gayundin ang bandila ng iba’t ibang bansa sa mundo, kabilang na ang Pilipinas, batay sa Facebook post ni R-jhay Hizon.

Imahe mula sa Facebook account ni R-jhay Hizon

“Teary–eyed seeing the iconic Christ the Redeemer statue in Brazil lit up as a doctor with the word ‘salamat’ on it, and also projecting our Philippine Flag with the word ‘pag-asa’ as a tribute to all the frontliners battling the coronavirus pandemic around the world,” ayon sa kaniyang caption.

Dagdag pa niya, “Truly God is with us in this battle, prayers to all the people around the world. Stay safe and be strong. We will all get through this.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Amen! Hopefully mawala na ang pandemya na ito sa lalong madaling panahon. Sana po lahat ay gumaling… I’m sure pagkatapos nito, maiiba na ang karaniwang routine ng mga tao,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa. “Amen to that! I think this is the way of Jesus para marealize natin ang mga pagkakamali natin.”

“I’m excited to see the world again. May God heal our land, our world. Pagsubok lang naman ang lahat ng ito. Pasasaan ba’t makakaraos din tayo,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni R-jhay Hizon

Lahat ng simbahan at iba pang panambahan sa buong daigdig ay nakasarado dahil sa coronavirus pandemic, subalit hindi ito naging hadlang upang ipagdiwang pa rin ng Simbahang Katolika ang “Linggo ng Pagkabuhay” sa pamamagitan ng Christ the Redeemer,  na na–broadcast sa iba’t ibang media platforms.

Source :

Facebook, MSN

Loading…