Christopher de Leon magdo-donate ng kanyang plasma para makatulong sa ibang COVID-19 patients

  • Christopher De Leon handang mag-donate ng kanyang plasma para makatulong sa ibang COVID-19 patients
  • Ang aktres na si Iza Calzado ay nagpahayag din na magdo-donate 
  • Ang blood plasma ng pasyenteng gumaling ay isasalin sa ibang pasyente sa pag-asang makatutulong sa kanilang paggaling ang antibodies ng COVID-19 survivor

Handang mag-donate ng kanyang plasma ang aktor na si Christopher De Leon upang makatulong sa paggaling ng ibang pasyenteng may COVID-19.

Screenshot mula sa GMA video

Ang aktor ay isang COVID-19 survivor. Nalaman niya na nagpositibo siya sa sakit noong ika-17 ng Marso. Makalipas ang isang linggo ay nakarekober na siya at nagnegatibo sa karamdaman. Matapos palabasin sa ospital noong March 25 ay kinailangan pa niyang sumailalim sa 14-day home quarantine.

Ang asawa ni Christopher na si Sandy Andolong ay sumailalim din sa COVID-19 testing, subalit nagnegatibo ito.

Bukod kay Christopher de Leon, ang aktres na si Iza Calzado na COVID-19 survivor din ay nagpahayag ng kahandaan na mag-donate ng kanyang plasma.

Ang Philippine General Hospital (PGH) ay naghahanda na upang mapag-aralan kung paanong ang isang uri ng plasma therapy ay magagamit na panlunas sa COVID-19.

Ayon sa isang hematologist sa PGH na si Deonne Guiaran, kailangan nila ng 130 patients na makikilahok sa clinical trial upang alamin kung ang convalescent plasma therapy ay mabisa laban sa coronavirus disease.

Imahe mula kay Sandy Andolong

“Sa ngayon ang tinitingnan, nasa around 136 na pasyente ang gusto nating ma-enroll sa pag-aaral na ito,” sabi ni Deonne sa isang online press briefing ng Department of Health.

Sa convalescent plasma therapy, ang blood plasma ng mga pasyenteng gumaling na ay isasalin sa ibang pasyente sa pag-asang ang anti-bodies sa immune system ng COVID-19 survivor ay makakatulong na mapabilis ang kanilang paggaling.

Ang convalescent plasma therapy ay ginamit ng mga doktor sa China.

Batay sa clinical results na ginawa ng China National Biotec Group at Wuhan loo Center, bumuti ang kalagayan ng mga malubhang pasyente ng COVID-19 na sinalinan ng plasma makalipas lang ang 12 hanggang 20 oras.

Imahe mula sa Canadian Blood Services

Loading…