‘CLOY’-inspired photoshoot ng mag-anak sa gitna ng ‘lockdown’, kinaaliwan sa socmed

  • Viral sa social media ang mga larawan ng isang mag-anak para sa ika-25 anibersaryo ng kanilang mga magulang
  • Hango ang mga ito sa ilang eksena mula sa hit K-drama series na “Crash Landing On You”
  • Marami naman ang naaliw sa mga larawan ng pamilya at nagpahayag ng positibong reaksiyon ukol dito

Patok sa netizens ang mga larawan ng isang mag-anak matapos nilang gayahin ang ilang mga eksena mula sa hit Korean drama series na “Crash Landing On You.”

Imahe mula sa Facebook post ni Edflyn Marlenelle R. Sulit

Sa kabila ng umiiral na ‘lockd0wn’ sa iba’t ibang lugar sa bansa, nagawa ng pamilya Sulit na kumuha ng mga larawan base sa mga eksenang mapapanood sa nasabing palabas.

Ayon sa Cosmo Ph, para ito sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng kasal ng mag-asawang health workers na sina Lynette Sulit, 54-anyos na nurse, at Edwin Sulit, 55-anyos na doktor.

Kasama rin nila sa kanilang CLOY-inspired photoshoot ang kanilang apat na anak na kinilalang sina Swift, Kent, Lyndon, at Edflyn, na siyang nag-upload ng mga litrato nila sa Facebook noong March 31.

“’Crash Lockd0wn On You.’A 25th Anniversary Special,” sabi ni Edflyn sa post.

Kabilang sa mga eksenang kanilang ginaya ay ang ‘di sinasadyang pagkahulog ng bidang si Se-Ri kay Captain Ri na kinakiligan ng marami sa mga nakapanood na nito.

Naroon din ang akmang pagtakas ni Se-ri mula sa North Korea.

Mayroon pang litrato kung saan namamaalam na si Se-ri sa apat pang mga sundal0ng tumulong sa kaniya habang siya ay nasa North Korea.

Agad namang nag-viral ang CLOY-inspired photoshoot ng pamilya at umani ng mga positibong reaksiyon mula sa netizens.

Imahe mula sa Facebook post ni Edflyn Marlenelle R. Sulit

“Gaya-gaya nila. Ang cute,” sabi ni KPP.

“Hoy, grabe ka-cute nila aba. Happy 25th anniversary po Ma’am Se-ri and Captain Ri,” pagbati naman mula kay DHAT.

Imahe mula sa Facebook post ni Edflyn Marlenelle R. Sulit

“Hahaha! Kung agad ko lang napanood ‘yang CLOY, ‘yan na lang sana ‘yung naging prenup theme namin. Hahaha! Char!” natatawang sabi ni EC sa comment section.

Sa kasalukuyan, umani na ang post ng mahigit 38,000 reactions mula sa netizens. Umabot na rin sa lagpas 37,000 ang nag-share nito sa Facebook.

Source :

Facebook, Cosmo

Loading…