“Code Joy,” inaanunsyo sa The Medical City kapag may uuwing COVID-19 patient na gumaling

  • Bagong hospital code, maririnig sa The Medical City
  • Maririnig ang “Code Joy” sa buong TMC kapag may COVID-19 patient na nakarekober at uuwi na sa kanilang pamilya
  • Ang buong staff ng ospital ay saglit na titigil sa kanilang ginagawa upang gawin ang isang “simple but powerful act” – ang pumalakpak – kapag narinig ang Code Joy

May sari-saring code na ginagamit ang mga ospital tulad ng Code White, Code Blue at Code Black. Ito ay upang maalerto ang kanilang mga empleyado sa isang emergency o iba pang kaganapan sa ospital.

Screenshot mula sa video ng The Medical City

Sa The Medical City (TMC), isang malaking pribadong ospital na ang main facilities ay matatagpuan sa Pasig City, isang bagong “code” ang ginagamit hindi para ma-alerto sa anumang emergency kundi upang ipaalam ang tagumpay nito laban sa COVID-19.

Sa video na ibinahagi sa Facebook page nito, ipinaliwanag ng TMC kung ano ang ibig sabihin kapag narinig sa public address system nila ang “Code Joy.”

“What does it mean when you hear #Code Joy over the PA system in our hospital?” post ng ospital sa Facebook.

Ang code na ito ay nagbibigay ng pag-asa at ligaya, ayon sa TMC.

Inaanunsyo ang Code Joy sa public address system na maririnig sa buong ospital kapag ang isang COVID-19 patient ay nakarekober at lalabas na upang umuwi na sa piling ng  pamilya.

Ang buong staff ng ospital ay saglit na titigil sa kanilang ginagawa upang gawin ang isang “simple but powerful act” – ang pumalakpak – kapag narinig ang Code Joy.

Screenshot mula sa video ng The Medical City

“As we continue our battle against the #COVID19 pandemic, hope still finds a way to shine through these challenging times. When a patient recovers and is about to leave the hospital, Code Joy is announced, bringing together the entire hospital with one simple but powerful act – a round of applause,” sabi ng TMC.

Isa itong sandali na nakapagpapasaya para sa lahat ng nasa ospital dahil ang ipinapahiwatig nito ay pag-asa at ligaya mula sa nakamit na tagumpay laban sa coronavirus.

“It’s a feel good moment for everyone in the hospital as it signifies hope and joy from victory against the virus, something we all need in this moment of uncertainty.”

Screenshot mula sa video ng The Medical City
Source :

Facebook

Loading…