College student, iginuhit sina “Jack at Rose” ng pelikulang Titanic

  • Iginuhit ng college student ang isang sikat na eksena mula sa pelikulang “Titanic”
  • Makikita sa naturang sketch ang magkasamang sina Jack at Rose na nasa dulo, dinadama ang alpas ng hangin sa banayad na paglalayag ng barko
  • Aniya, katulad ng karamihan ay hindi pa rin nawawala ang epekto sa kaniya ng pelikula kahit makailang–ulit na niya itong napanood

Nitong Black Saturday, Abril 11, 2020, muling pinag–usapan sa Twitter world ang “timeless” na pelikulang “Titanic” na ipinalabas sa GMA Kapuso Network, na nagtatampok sa wagas na pag–iibigan nina Jack at Rose, na ginampanan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet.

Kaya naman, ibinahagi sa Facebook post ng isang college student na nagngangalang “Jhon Michael Romero Sarmiento” ang iginuhit niyang isa sa mga sikat at di–malilimutang eksena sa pelikula kung saan makikitang nakalahad sa magkabilang gilid ang mga bisig ni Rose habang ginagabayan ni Jack. Sila ay nasa bandang dulo ng barko, dinadama ang alpas ng hangin, at tila sila ay “lumilipad sa himpapawid”.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhon Michael Sarmiento/Public Domain Image

Bagama’t “tinamad” nang kulayan, makikita pa rin ang detalye ng kaniyang pagkakaguhit mula sa pinaghanguang eksena sa pelikula.

“Mabusisi hahaha. Tinamad nang kulayan,” ayon sa caption. Ginamit ng naturang college student ang “Autodesk Sketchbook” sa pagguhit ng eksenang iyon sa pelikula.

Ayon pa sa kaniya, “Actually ilang beses ko nang napanood yung Titanic, kaya ko lang siya nai–sketch kasi sobrang heart–touching ng love story behind the story of Titanic. Ilang beses ko na itong napanood but still ganoon pa rin ka– touchable para sa akin.”

Ang pelikulang “Titanic” ay isang American epic romance and disaster film na dinirehe, isinulat, at ipinrodus ni James Cameron noong 1997. Hango ito sa lumubog na barkong “RMS Titanic” noong 1912 na bumangga sa ice berg na nasa North Atlantic Ocean. Ang kuwento naman ng pag–iibigan nina Jack at Rose, bagama’t likhang–isip lamang, ay lubhang kinakiligan at naging bukambibig ng mga tao noon, at masasabing hanggang ngayon.

Bukod kina Jack at Rose, ibinahagi rin ng college students ang iba niyang mga guhit gamit naman ang charcoal pencils, na karamihan ay mga cartoon characters o anime.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhon Michael Sarmiento

Mahusay, Jhon Michael! Ipagpatuloy mo lamang ang pagpapamalas ng iyong talento sa pagguhit!

Loading…