“Colorful egg waffle” o kwek kwek, ginawa ng isang netizen

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kakaibang twist na ginawa ng kaniyang kapatid sa paggawa ng “egg waffles” o mas kilala sa tawag na “kwek kwek”
  • Imbes na kulay–kahel, gumamit sila ng iba’t ibang food color gaya ng asul, lila, at dilaw
  • Bunga umano ito ng pagkainip sa mahabang panahon ng ECQ

Sa muling pagpapalawig ng enhanced community quarantine o tinatawag na “ECQ Season 3” hanggang Mayo 15, marami sa mga netizens ang inip na inip na. Iba–iba ang paraan ng karamihan upang maibsan ang pagkabagot. May mga gumagamit ng TikTok, nabibilang ang piraso ng fruit cocktail sa lata, napaghahambing ang laman at lasa ng mga sardinas, at nakapagluluto ng mga pagkaing mula sa relief goods na may sosyal na plating.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Agnes” sa kaniyang Facebook post ang larawan ng “colorful egg waffles” o kwek kwek na ginawa ng kaniyang kapatid na si “Lani” bunga na rin ng pagkainip nila sa ECQ.  Ayon sa caption, “ECQ Day 39: Flex ko lang this colored egg waffle by Lani #kwe2.”

Imahe mula sa Facebook account ni Agnes Balicudcud

Ayon sa nagbahaging kapatid na si Agnes, dulot ng nakaiinip at humahabang panahon ng community quarantine, isa sa mga naging gawain ng kaniyang kapatid ay pagluluto at pag-iisip ng paraan kung paano maiiba o mas mabibigyang–buhay at kulay ang mga pangkaraniwang pagkain,  lalo na ang merienda sa hapon.

Kaya naman naisipan nilang magluto ng isa sa mga paboritong street food na kwek kwek, na karaniwan ay kulay–kahel o orange. Bukod sa itlog ng pugo, ginamit nila ang mga sangkap na tubig, harina, corn starch, pampalasa, at food color. Pinili nila ang mga kulay na asul, lila, at dilaw para sa kanilang colorful egg waffle.

Nauna na rito, naging trending din ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Casey Martinez matapos niyang ibahagi  ang kaniyang kakaibang twist sa kwek kwek matapos naman niyang gamitin ang kulay–asul na food color dito. Tinawag itong “blueberry egg waffles”.

Imahe mula sa Facebook account ni Agnes Balicudcud/Casey Mendoza

Loading…