Couple Goals achieved: Mag-asawang pulis at bumbero, ‘di lang frontliner, namigay rin ng relief goods

  • Mag-asawang pulis at bumbero, namigay ng relief packs sa kanilang lugar
  • Nagawan nila ito ng paraan kahit na busy sila sa pagpapatupad ng ECQ sa ngayon
  • Naniniwala silang ang “highest calling” para sa isang tao ay ang magsilbi para sa ikabubuti ng sangkatauhan

Naniniwala ang mag-asawang pulis at bumbero na ang “highest calling” para sa isang tao ay ang magsilbi para sa ikabubuti ng sangkatauhan;  kaya naman hindi na nakapagtataka na sa dami ng kanilang gawain ngayong nasa ECQ ang Luzon ay nakahanap sila ng paraan para lalo pang matulungan ang mga mamamayan.

Image by Herson Allayban Raquinio via Facebook

Kuwento ni Herson Allayban Raquino sa Facebook, ang mga may mabubuting loob ay sina Police Staff Sergeant Archie Manalastas na nakadestino sa Aparri Municipal Police Station at ang kanyang asawang si Fire Officer 2 May-Ann Manalastas ng Aparri Municipal Fire Station.

Sabi ni Raquino, mahirap umano ang trabahong ginagawa ng kapulisan ngayong ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon pero hindi nito napigilan ang mag-asawa para magbigay ng relief packs kasama na ang ilang gulay at prutas sa mga nangangailangan.

Layunin umano ng mag-asawa na panatilihin ang pag-asa sa mga Pilipino sa kabila ng kinakaharap natin ngayong COVID-19 pandemic.

Dagdag pa niya, siya rin umano ay masaya na sa gitna mga kinahaharap ng mga unipormadong tao partikular ang pagkainis ng ilan, marami pa rin ang pinipiling maging matulungin at tapat.

Umani naman ng papuri sa social media ang kabutihang ipinakita ng mag-asawang pulis at bumbero.

Sabi ng isa, “Thank you lovely couple for extending help, love and care to our fellow Aparriano. May the Lord bless you more.”

Komento naman ng iba, “Thank you sir sa paghatid sa amin dito sa Gaddang noong isang araw. Very much appreciated po ‘yun, sir Archie Banastas.”

Image by Herson Allayban Raquinio via Facebook

Dagdag pang komento, “Very much appreciated. God will always pays the goodness in your hearts. May God bless you and your family.”

Good job sa pamamahagi ng tulong sa iba, alam naming busy kayo sa inyong trabaho pero gumagawa parin kayo ng paraan para lalo pang matulungan ang mga mamamayan. Saludo!

Image by Herson Allayban Raquinio via Facebook

Loading…