Covid-19 vaccine posibleng magkaroon na sa September – UK scientist

  • Bakuna para sa COVID-19 posibleng magkaroon na sa Setyembre ngayong taon
  • “Eighty percent confident” ang isang UK scientist na ang vaccine na dine-develop ng kanyang team ay gagana
  • Hinihikayat niya ang British government na simulan na ang produksyn ng bakuna kahit hindi pa tapos ang dini-develop na vaccine

Malaki ang posibilidad na maging available na sa publiko ang bakuna para sa COVID-19 sa buwan ng Setyembre ngayong taon, ayon sa isang siyentista sa United Kingdom (UK).

Imahe mula sa Pixabay

Ipinahayag ni Sarah Gilbert, professor ng vaccinology sa Oxford University, na “80% confident” siya na ang vaccine na dine-develop ng kanyang team ay gagana. Sisimulanng grupo ang human trials sa susunod na dalawang linggo.

“I think there’s a high chance that it will work based on other things that we have done with this type of vaccine. It’s not just a hunch and as every week goes by we have more data to look at … I would go for 80%, that’s my personal view,” wika ni Professor Gilbert.

At para maging available na sa publiko ang vaccine sa simula ng taglagas sa Setyembre, kailangang magsimula na ng produksyon ang British government bago pa matapos ang dini-deveolp na vaccine ng team ni Prof. Gilbert.

“That is just about possible if everything goes perfectly. We have to go for that. Nobody can give any guarantees, nobody can promise it’s going to work and nobody can give you a definite date, but we have to do all we can as fast as we can. We don’t want to get to later this year and discover we have a highly effective vaccine and we haven’t got any vaccine to use,” paliwanag ng professor.

Prof. Sarah Gilbert/screenshot mula sa video ng The Hill

Sa kasalukuyan ay may mahigit 1.7 million tao sa buong mundo ang may COVID-19 at mahigit 100,000 na ang sinawimpalad.

Source :

The Journal

Loading…