Cute na cameo ng anak: DZMM reporter na naka-WFH, ginambala ng anak habang naka-on air siya

  • Viral ngayon sa social media ang video ng isang batang biglang lumabas habang nagre-report ang ama
  • Kapanayam ni Ted Failon ang naka-WFH na si DZMM reporter Johnson Manabat
  • Biglang lumabas ang anak nito at ngumiti pa sa camera 

Maraming personalidad ngayon na nagtatrabaho sa media ang naka-work from home dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon. Maging ang ilang bahagi ng news and public affairs ay sa bahay muna nila gumagawa ng ulat upang maihatid ang maiinit na balita sa mga manonood.

Ngunit dahil karamihan din sa mga news personalities ay mga magulang na rin, hindi maiiwasang magambala sila ng kanilang mga anak habang nagtatrabaho sa bahay, kahit pa minsan ay on-air na ang mga ito.

Larawan mula sa video ni DJ Chacha

Isa sa mga ito ay ang DZMM Teleradyo repertory na si Johnson Manabat. Matapos ang report niya sa show ni Ted Failon, sandaling nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa WFH ni Johnson. Dahil ang background ni Johnson sa report ay ang building ng ABS-CBN, tinanong ni Ted kung nasa office na ba si Johnson.

Agad namang ipinaliwanag si Johnson na naka-WFH pa rin siya at chroma background lang ang nakikita ni Ted. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may dumating na ebidensyang nasa bahay nga lang si Johnson. Bigla kasing sumulpot ang anak nito habang nasa ere pa si Johnson.

“Ay bawal tayo sa may tore. Work from home tayo, Manong Ted. Nasa loob lang ng bahay,” paliwanag ni Johnson nang biglang lumabas ang cute na bulinggit sa gitna ng usapan nila ni Ted.

Ipinaliwanag ni Johnson kay Ted na anak niya iyon. Biniro naman siya ni Ted at natatawang sinabi na baka gustong bumati ng kanyang anak. Napangiti na lamang si Johnson at pinutol na ni Ted ang kanilang usapan.

Larawan mula sa video ni DJ Chacha

Ibinahagi ng radio DJ na si DJ Chacha ang video ng mag-ama. Agad namang nag-viral ito sa social media at mayroon nang higit 100,000 views, 2,300 comments, at halos isang libong shares.

Hindi lamang sa Pilipinas naganap ang paggambala ng isang anak sa amang nag-uulat. Naging viral din noong mga nakaraang linggo ang isang propesor mula sa South Korea na kinakapanayam sa BBC nang biglang lumabas ang anak sa likod nito na nagsasayaw pa.

Panoorin ang kwelang cameo ng anak habang on air pa ang kanyang ama:

Source :

Facebook, YouTube

Loading…