Dancing Mayor? Surprise dance ng Sotto siblings noon para sa kanilang ama, muling naghatid ng saya

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang throwback video na nagpapakita ng surprise dance ng mga Sotto siblings para kay Bossing Vic Sotto
  • Kasama sa naturang video si Pasig Mayor Vico Sotto  na hindi pa gaanong sikat noon bilang mahusay na mayor
  • Umani naman ito ng magaganda at positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa sa mga kinagigiliwang mayor ngayon si Pasig Mayor Vico Sotto na anak ng sikat na komedyante at host na si Vic Sotto at premyadong aktres na si Coney Reyes, na pinupuri at hinahangaan dahil sa kaniyang pagiging aktibo at mapagmalasakit na punong–bayan sa kaniyang mga nasasakupan.

Public Domain Image

Bukod sa angking kagwapuhan, katalinuhan, at kahusayan sa pamumuno, kinatutuwaan din ng mga tao ang mga paminsang pagpapakita ni Mayor Vico ng kaniyang “lighter side” na maaaring namana niya sa kaniyang ama. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang throwback video sa Facebook page na “Kristine Hermosa” noong 2017 kung saan mapapanood ang surprise dance video ng Sotto siblings para kay Bossing Vic.

“Throwback Sunday! Muli nating balikan ang surprise dance video ng mga Sotto siblings (Danica, Oyo, Vico and Paulina) para kay Bossing!” ayon sa caption ng video. Mapapanood sa naturang video ang nakatutuwang si Vico, noong hindi pa siya mayor ng Pasig.

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Vico really looks like his Dad, pati mga moves niya, and nice to see all siblings are bonding together no rivalry , great parents!”

“Happy to see you all, nakaka–good vibes! In spite of what’s happening in our country, I salute Bossing Vic for raising his children na close to each other. God bless your family!” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “It’s delightful na makitang sumasayaw si Mayor Vico noon. Napaka–charming! It’s good to see tha kuwela side of our Vivico.”

“You made my day, so good while watching this dance moves of the whole Sotto clan. Grabeee! Ang ku-CUTE ninyong lahat. Walang kupas ganda ni Kristine Hermosa, and what kept me surprise ay ang dance moves of Mayor Vico. I love you all and the adorable kids. God bless your family. Ingat po kayo lahat.”

Public Domain Image

Sa ngayon, pinupuri ng lahat ang paraan ng pagpapalaki nina Bossing Vic at Coney Reyes kay Mayor Vico, lalo na’t magkahiwalay sila at may kani–kaniyang pamilya.

Source :

Facebook

Loading…