‘Darna’ ipinakilala ang mga kaibigan sa likod ng kampanyang #UniTENTweStandPH

  • Kilala ang aktres na si Angel Locsin sa aktibo nitong pagtulong sa kapuwa lalo na sa panahon ng COVID-19
  • Kasama ang fiancé at mga kaibigan, sinimulan nila ang isang kampanya na malaki ang naitutulong sa ating mga frontliners
  • Ipinakilala niya ang mga tao sa likod ng kampanyang #UniTENTweStandPH

Sa simula pa lamang ng paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, isa ang aktres na si Angel Locsin sa mga agad na kumilos upang tulungan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga frontliners.

Kasama ang fiancé at mga kaibigan, sinimulan nila ang isang kampanya—ang #UniTENTweStandPH na sa simula ay may layuning makapagtayo ng mga tents kontra COVID-19 nang sa gayon ay maiwasan ang siksikan sa mga ospital.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Dahil marami ang sumuporta at nagpaabot ng tulong, hindi lamang mga tents ang kanilang naipamahagi kundi maging ng mga personal protective equipment (PPE) at iba pang suplay.

Ang tagumpay ng kampanya ay dahil na rin sa mga pagsisikap at pagtutulungan ng mga taong bumuo rito.

Sa latest Instagram post ni Angel, ipinakilala niya ang mga kaibigan sa likod ng #UniTENTweStandPH. Tulad ni Gines Sarangaya na may codename daw na “Excel Sheet Mechanic” na isa sa mga tasks ay ang magmonitor ng mga requests.

Kabilang din sa team ang aktres na si Dimples Romana na may codename na “Chef Correspondent.” Siya rin ang kanilang PR writer at correspondence.

Siyempre, “Darna” ang codename ni Angel na siyang punong-abala o aniya nga ay “Reyna ng mga Tents.”

Ang fiancé na si Neil Arce ay binigyan niya ng codename na “Batang City Jail” na kabilang sa mga tasks ay ang procurement at logistics.

Kasama rin sa team si Dra. Marev Matic na may codename na “The Doctor is In.” Siya ang nakikipag-ugnayan sa mga ospital.

Si Phillip na may codename na “Artcard ba ang kelangan mo?” ang siyang artcard maker ng grupo.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Sa loob ng 19 na araw (Marso 25 hanggang Abril 13, 2020) ay umabot sa ?11,359,856.89 ang nakalap nilang donasyon. Naipamahagi na rin nila ang 225 isolation tents (as of April 24) at sanitation tent with misting machine and UV light (bago ang Abril 10).

Maraming salamat sa inyo, Darna, at sa lahat ng bumubuo ng #UniTENTweStandPH!

Loading…