Darren Espanto, ibinahagi ang karanasan kasama ang mga magulang na frontliner sa Canada

Imahe mula sa Instagram | Darren Espanto
  • Nasa Canada ngayon ang Kapamilya singer na si Darren Espanto kasama ang kaniyang pamilya
  • Doon ay nagtatrabaho bilang nurse ang kaniyang mga magulang
  • Dahil dito ay nag-iingat ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagdidisinfect at pagsunod sa social distancing

Parehong nagtatrabaho bilang nurse ang mga magulang ng Kapamilya singer na si Darren Espanto sa Canada, kung saan naroon silang mag-anak ngayon.

Imahe mula sa Instagram | Darren Espanto

Kuwento ni Darren sa isang online interview sa MYX Philippines, agad siyang nag-book ng flight patungo sa Canada nang i-anunsyo ni Pang. Rodrigo Duterte na isasailalim ang Metro Manila sa community quarantine. Pinayagan naman daw siya ng kaniyang managers.

“Pumayag naman po silang lahat, so my mom and I flew all the way here to Canada for the meantime. Tapos hindi namin inexpect na ganito katagal pala,” aniya.

Ibinahagi niya rin ang ginagawang pag-iingat ng kanilang pamilya lalo na at kapwa frontliners ang kaniyang mga magulang. Hindi naman daw siya nag-aalala para sa kanilang kalusugan dahil sinusunod naman nila ang social distancing at nagdi-disinfect ng kaniyang mga magulang bago pumasok sa loob ng kanilang tahanan.

Imahe mula sa Instagram | Darren Espanto

“Kasi ‘pag dumarating sila from work, sa garahe pa lang, they sanitize themselves. And also, diretso silang naliligo, so it’s something that they definitely had to get used to,” paliwanag ni Darren.

Hindi rin naman daw problema sa kaniya ang pagsunod sa social distancing sa loob ng kanilang tahanan dahil hindi naman siya clingy.

“Pero I’d say it’s difficult knowing that they’re risking their lives for us every day, not just my parents, all of the frontliners,” sabi ni Darren.

Samantala, habang naka-quarantine ay ginagamit daw ni Darren ang pagkakataon upang maka-bonding ang kaniyang mga kaanak sa Canada na hindi niya madalas na nakakasama. “So for me, this is quality time to spend with my sister, especially who’s a lot more grown up now,” aniya.

Source :

YouTube, Pep

Loading…