Dating Anakpawis representative, volunteers na magsasagawa ng relief operation, dinakip sa Bulacan

  • Grupo ng Anakpawis na magsasagawa ng relief operations sa Bulacan, dinakip ng mga awtoridad
  • Dahilan lang umano ang relief operations upang makapagsagawa ng mass gathering ang grupo, ayon sa mga awtoridad
  • Si dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao ay kinasuhan din dahil sa naturang insidente

Dinakip ng mga awtoridad sina dating Anakpawis Representative Ariel Casilao at ilang volunteers sa isang checkpoint sa Bulacan dahil sa diumano’y paglabag nila sa enhanced community quarantine at pagtatangkang magsagawa ng mass gathering sa pamamagitan ng relief operation.

Imahe mula sa PRO3

Ayon kay Lieutenant Colonel Jaime Quichio, acting police chief ng Norzagaray, Bulacan, naharang umano sa checkpoint sa Barangay Bigte ang jeepney lulan ang anim na tao dahil walang naiprisintang dokumento ang tsuper para sa kanilang biyahe.

Sa magkabilang gilid ng jeepney ay nakasabit ang dalawang tarpaulin poster kung saan nakasaad ang gagawin nilang relief operations, subalit nakita umano ng mga pulis sa checkpoint ang mga pamphlets, magazines at circulars na may subversive contents sa ilalim ng mga food packs.

Kinilala ng Central Luzon Police Office ang mga nadakip bilang sina  Karl Mae San Juan, 29; Marlon Lester Gueta, 26; Robero Medel, 52; Eriberto Peña Jr., 60; Raymar Guaves, 21; at Tobi Estrada 22 na diumano ay mga miyembro ng Anakpawis.

Nagtungo si Casilao sa presinto sa Norzagaray upang mamagitan para sa mga kasamang dinampot ng mga awtoridad. Nagpakilala umano siya bilang Anakpawis Congressman ng kasalukuyang Kongreso.

Imahe mula sa PRO3

Si Casilao ay nagsilbing Anakpawis representative noong 17th Congress at natapos ang kanyang termino noong June 2019.

“Casilao is not a member of the 18th Congress as he claimed himself to be when he tried to intercede on behalf of the arrested Anakpawis members,” sabi ni Philippine National Police spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Kinondena naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paglabag ng grupo sa ECQ.

Imahe mula sa PRO3

“Breaking the quarantine rules is breaking the law. ‘Wag po tayong pasaway. You are only allowed to go out of residence to buy food, medicines or for medical emergencies. By doing this obvious propaganda stunt, Anakpawis has placed the lives of the people of Bulacan at risk. Wala pong pinipili ang COVID-19, mayaman man o mahirap,” sabi ni DILG Undersecretary and Spokesman Jonathan Malaya.

Kung tunay ngang relief operation ito, bakit sila magdadala ng napakaraming propaganda materials?” tanong pa ni Usec. Malaya.

Aniya, sa korte na lang sila magpaliwanag.

Source :

PNA, Sunstar

Loading…