DepEd Secretary Briones: “Hindi sukatan ng tagumpay ang mataas na grades”

  • May paalala si DepEd Secretary Leonor Briones sa mga mag–aaral
  • Sinabi niyang hindi lamang ang mataas na marka at medalya ang sukatan ng pagtatagumpay
  • Mahalaga pa rin umano ang mabubuting pag–uugali kaysa sa lahat ng ito

Ipinaalala ni Department of Education o DepEd Secretary Leonor Briones sa mga mag–aaral na bagama’t mahalaga ang pagtatamo ng mataas na marka at masaya sa pakiramdam ang makakuha ng parangal sa pag–aaral, hindi ito ang maaaring maging sukatan lamang ng tagumpay sa buhay.

Sa maaga at biglaang pagtatapos ng mga klase dahil sa suspensyon nito na nagtuloy–tuloy na dahil sa enhanced community quarantine, sinabihan din ni DepEd Sec. Briones ang mga magulang na huwag masyadong bigyan ng pressure ang kanilang mga anak.

Public Domain Image

“Most of the time, parents, even the grandparents, are more worried about the status of their children.

“It’s always the parents who express the reservations of whatever the results are and whatever the result is, there’s always a parent with reservations for various reasons,” aniya.

Subalit ang nais niyang bigyang–diin, “But, perhaps we should also inculcate in our students that while grades and rankings are very important, they are not the only surefire formula for success.”

Nais ipaunawa ni Briones na masarap sa pakiramdam na maging valedictorian, salutatorian, magna o summa cum laude, subalit sa realidad daw ay hindi ito ang nagiging batayan kung gaano kagaling ang isang tao, lalo na kapag may trabaho na. Mas nagtatagumpay pa rin daw ang mga taong may tiyaga, sikap, sipag, at sabayan pa ng magagandang pag–uugali.

Dahil sa krisis, nagdesisyon ang DepEd na huwag nang isagawa ang ikaapat na markahang pagsusulit ng mga mag–aaral sa mga paaralang naapektuhan ng ECQ; sa halip, bumuo sila ng grading and transmutation formula sa ilalim ng  Policy Guidelines on Classroom Assessment for K to 12 Basic Education program. Ibabatay sa mga component na “written works” at “performance task” ang magiging marka ng mga mag–aaral.

Public Domain Image

Loading…