Derek Ramsay, Sen. Lacson ipinagtanggol ang law enforcer na nagtangkang dumakip sa foreigner sa Makati

  • Ipinagtanggol ni Derek Ramsay at Sen. Ping Lacson ang law enforcer na nagtangkang dumakip sa isang foreigner sa Dasmariñas Village sa Makati City
  • Sinabi ng aktor na dapat respetuhin ang mga kasundaluhan at kapulisan
  • Sinabi naman ni Sen. Lacson na walang lugar sa bansa ang pagiging arogante lalo na sa panahon ng pandemic

“Kuya  magbago ka na. Your arrongance doesn’t help,” mensahe ng aktor na si Derek Ramsay sa foreigner na sangkot sa isang insidente sa loob ng Dasmariñas Village sa Makati City noong Linggo, ika-26 ng Abril.

Imahe mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Ang foreigner na si Javier Parra ay tinangkang dakpin ni Police Senior Master Sergeant Ronald Von Madrona nang walang warrant kasunod ng naging pagtatalo nila hinggil sa ipinatutupad na quarantine rules.

”Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone. Kuya magbago ka na! Your arrogance doesn’t help,” mensahe ni Derek para kay Parra.

“Show respect to our soldiers and policemen!!” dagdag pa ng aktor.

Nagkomento rin si Senator Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa insidente kung saan nagpakita umano si Parra ng pagiging arogante.

“Arrogance has no place in our country – especially so in a situation where either all of us win, or all of us lose to the COVID-19 threat,” aniya.

“Being an ‘investor with 80 employees’ as he claimed does not give the foreigner the right to confront and incessantly berate a police officer who is merely performing a risky duty in the manner that he did,” sabi pa ni Sen. Lacson.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ping Lacson

Nanawagan ang senador sa Bureau of Immigration. Aniya, kung kinakailangan ng deportation process, dapat umanong gumawa ng mabilis at epektibong aksyon ang kagawaran.

Nagbigay na rin ng kanyang panig ang law enforcer.

Aniya, “verbal assault upon a person in authority, ‘yun po ang nag-trigger sa akin despite na bina-violate na niya yung ‘di pagsuot ng face mask sa labas ng bahay nila.”

Nagsimula ang insidente nang pagsabihan nina Madrona ang maid ni Parra na magsuot ng face mask matapos nila itong madatnan na nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay na walang suot na proteksyon laban sa virus.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng Philstar

“Sinabihan lang po namin siya na magsuot siya ng face mask especially ‘pag nasa labas ng bahay kasi para po sa kaniyang proteksiyon at para paalalahanan din siya na may umiiral na ordinansa,” anang law enforcer.

“Nung bumalik ng bahay, ang bumungad sa amin isang lalaki na nakahubad, na wala rin pong face mask. ‘Yung bumungad sa amin napaka-aggressive. Noong time na ‘yun mahinahon ko siyang pinaliwanagan ng aming presence doon at ang aming purpose. Imbes na makinig siya, nagbunganga na siya sa amin,” dagdag pa niya.

Nagpahayag ang magkabilang panig na magsasampa ng kaso laban sa isa’t isa.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng Philstar

Loading…