Di kinaya: Dalawang babaeng nakasakay sa patok jeep, nagtakip na ng tainga dahil sa malakas na rap song

  • Kinagigiliwan ang video ng dalawang ginang na tila hindi nae-enjoy ang kanilang biyahe
  • Nakasakay kasi sila sa isang patok jeep na mayroong napakalakas na rap music
  • Napagpasiyahan ng dalawang ginang na takpan na lang ang kanilang tainga para naman mabawasan ang kanilang pagkarindi

Paniguradong miss na rin ng marami sa atin ang bumiyahe dahil naka-stay at home tayo ngayon dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) Luzon. Ang minsang kinainisang traffic ay sinasariwa na ngayon ng marami dahil hindi muna puwede ang bumiyahe ngayon.

Ito rin ang dahilan kung bakit nag-trending muli sa social media ang video ng dalawang matanda na nagbigay ng good vibes sa mga komyuter. Nakasakay kasi ang dalawa sa isang jeep na mayroong malakas na tugtog at mukhang hindi na nila kinakaya ang sound trip ni manong drayber.

Larawan mula sa Facebook video ni Zherelyn Mae Javonillo Macatangay

Nag-viral muli sa Facebook ang video na kuha ng netizen na si Zherelyn Mae Javonillo Macatangay kung saan makikita ang dalawang ginang na tila rinding-rindi na sa napakalakas na rap music ng isang patok jeep.

Ang mga patok jeep ay kilala sa kanilang mabilis at malalakas na tunog na karaniwang bumibiyahe sa Kamaynilaan at ilang karatig lalawigan.

Lubha raw na naaliw si Zherelyn sa dalawang babae dahil maski siya ay hindi na rin matagalan ang nakaaalibadbad na musika sa loob ng jeep. Hindi raw kasi nila tipo ang ganitong uri ng tugtugin na lalong nakadaragdag daw sa stress nila sa pagbiyahe.

Tinangka pa ng dalawang ginang na mag-usap ngunit tila hindi sila magkarinigan. Kaya naman ang ending, tinakpan na lamang nila ang kanilang mga tainga upang kahit papaano ay mabawasan ang naririnig na malakas na tugtog ng jeep.

Noong 2018 pa talaga naka-upload ang video ngunit muling nagbibigay aliw ngayon sa mga netizens. Habang isinusulat ang kuwentong ito, mayroon nang higit 1.5 million views, 37,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 36,000 shares.

Larawan mula sa Facebook video ni Zherelyn Mae Javonillo Macatangay

Kasabay ng pagse-share ng video, nagbibigay din ng opinyon at karanasan ang mga netizens. Ayon sa karamihan, relate na relate din sila sa mga ale na naririndi rin sa pa-sound ng mga patok jeep. Mahirap na lang din daw maging choosy sa jeep dahil madalas ay agawan ang mga pasahero.

“Tita pr0blems na relate talaga ako. Lalo na yung mga jeep pa-Antipolo, ang sakit sa bangs at eardrums. Hahaha,” pahayag ng isang netizen na nag-share.

Panoorin ang dalawang ginang na naririndi sa sounds ng patok jeep:

Loading…