Diana Zubiri, umaming fan ni Sunshine Dizon dahil magiliw daw itong bumabati sa kanyang mga tagahanga

  • Inamin ni Diana Zubiri na fan siya ng Encantadia co-star at matalik na kaibigan na si Sunshine Dizon
  • Nakita niya raw kasi ito noong hindi pa siya artista at sobrang bait daw nito sa kanyang mga fans
  • Dahil dito, ginaya rin ni Diana ang magiliw na pagtanggap ni Sunshine sa fans noong artista na siya

Maituturing na icon ng Philippine television ang mga Kapuso actress na sina Diana Zubiri at Sunshine Dizon. Ito ay matapos silang maging bahagi ng top-rating at hanggang ngayon ay hindi malimutang telefantasya na Encantadia 2005 at requel noong 2016.

Ngunit bago tumatak sa kanilang mga roles bilang Danaya, Pirena, Lilasari, at Adhara, minsan munang naging magkaiba ang mundo ng dalawa. Naunang sumabak si Sunshine sa showbiz na bata pa lamang ay isa nang aktres habang si Diana ay kinailangan munang hinatayin ang kanyang big break.

Larawan mula sa GMA Network

Sa isang panayam nga, sinabi ni Diana na bago pa man siya maging artista ay fan na siya ni Sunshine. Hindi lamang dahil mahusay itong aktres ngunit dahil magiliw daw ito sa kanyang mga fan na personal mismong naranasan ni Diana.

Kuwento ng original na Danaya, noong second year high school daw siya ay nagpunta ang cast ng kinabibilangang show ni Sunshine sa kanilang school upang mag-taping. Hindi raw namamansin ang supporting cast ng show pero nang dumating na si Sunshine sa set, ito pa raw ang unang bumati sa mga fans kahit siya ang big star noon ng GMA Network.

“Nakita ko siya before… when I was 2nd year high school, nag-sh00ting sila sa school namin. Tapos iyong ibang artistang kasama niya, mga isnabera. Tapos yung iba, so hindi pinansin yung mga nagkakaway-kaway kami noon. Mga fan kami,” bungad ni Diana sa panayam.

“Tapos ikaw pagbaba mo, sabi ko kay Sunshine, pagbaba mo sa van mo, ikaw pa talaga yung unang, “Hi!” Gumanon pa siya sa amin. So, parang naging fan tuloy ako ni Sunshine. Sabi ko, ay ang bait naman nito,” dagdag ni Diana.

Larawan mula sa GMA Network

Dito raw nag-iba ang pagtingin niya kay Sunshine. Dahil daw madalas na mataray at kontrabida ang role nito, ay inakala niyang ganito rin ang ugali ng aktres sa personal na taliwas naman pala sa likod ng camera.

Kaya naman nang sumikat na rin si Diana, ginaya niya raw ang matalik na kaibigan na ngayong si Sunshine sa pag-approach sa kanilang mga fans lalo na noong mga panahong sikat na sikat ang kanilang show na Encantadia.

Panoorin ang panayam ni Diana para sa PEP.Ph:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…