Dingdong Dantes gustong makita nang personal ang artwork ng kanyang imahe na ginamitan ng DingDong mixed nuts wrappers

  • Dingdong Dantes gustong personal na makita ang “Dingdong on DingDong” artwork
  • Ang artwork ay ginamitan ng mga patapong plastic wrappers ng DingDong mixed nuts snack
  • Plano ng aktor na makita nang personal ang artwork pagkatapos ng health crisis

Isang collage artwork sa imahe ng aktor na si Dingdong Dante sang ginawa ng isang pinoy artist gamit lang ang mga recycled wrappers ng popular na mixed nuts snacks na DingDong na gawa ng JBC Food Corporation.

Imahe mula kay James Permisa Lumagod

Ipinost ng artist na si James Permisa Lumagod ang kanyang obra sa Facebook page na “Artist’s Lounge PH” kung saan ito umani ng mga papuri. Tinawag niyang “Dingdong on DingDong” ang ginawang artwork na kawangis ng Kapuso actor.

“Share ko lang po. Dingdong on DingDong. Collage art,” post ni Lumagod.

Napukaw ng naturang collage artwork ang pansin ng aktor na nagsabing nais niyang makita nang personal ang obra ni Lumagod kapag natapos na ang umiiral na health crisis sa bansa.

“His creativity is making me go nuts!! Hanep. When this is over, baka naman puwedeng makita in person? Gujab ka, parekoy!” papuring saad ni Dingdong Dantes sa Twitter.

Plywood ang ginamit niyang canvas kung saan siya gumawa ng sketch ng mukha ng aktor at saka idinikit ang mga plastic wrapper ng DingDong mixed nuts, ani Lumagod sa panayam sa kanya.

Imahe mula sa Instagram account ni Dingdong Dantes

Ang paggamit ng mga patapong plastic ay isang paraan niya upang ma-recycle ang mga ito, ayon pa sa artist.

“’Yung iba po riyan, eh, binili ko po sa tindahan pang-snacks at ‘yung iba po riyan ay pinulot-pulot lang po para ma-recycle at ma-use po. Para ‘yung plastic na akala natin ay basura ay puwede pala siyang gawing art,” paliwanag niya.

Dahil natuwa sa kanyang Dingdong on DingDong artwork, ilang netizens ang humiling na gawan din ng katulad na artwork ang asawa ng aktor – si Marian Rivera – gamit naman ang mga takip ng lalagyan ng “Yan Yan,” isang Japanese snack food na gawa ng Meiji Seika.  “Yanyan” ang nickname ng aktres.

Imahe mula Kay Marian Rivera/Meiji Seika

Loading…