Dingdong on DingDong: Artwork ng isang netizen, kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | James Permisa Lumagod at Instagram | Dingdong Dantes
  • Naaliw ang netizens sa kakaibang artwork ng isang artist na ginawa niya gamit ang pinagtagpi-tagping wrapper ng chichiriang DingDong upang mabuo ang mukha ni Dingdong Dantes
  • Aniya naisip niya gawin ito upang ma-recycle ang mga plastic na basura
  • Nagpapakita rin daw ito na kahit sa basura ay may obra na maaaring mabuo

Ibinahagi ng isang netizen ang kakaibang artwork niya gamit ang pinagtagpi-tagping wrapper ng chichiriang DingDong upang buuin ang mukha ng Kapus0 actor na si Dingdong Dantes.

Imahe mula sa Facebook | James Permisa Lumagod

Ipinost ng artist na si James Permisa Lumagod ang kaniyang obra sa Facebook group na Artist’s Lounge PH kung saan umani ito ng papuri. “Share ko lang po. Dingdong on DingDong. Collage art,” aniya.

Sa isang panayam sa GMA News Online ay sinabi niyang gumamit siya ng plywood bilang canvas at saka siya nag-sketch dito. Pagkatapos ay pinagtagpi-tagpi niya na ang mga wrapper ng DingDong gamit ang glue.

Aniya, naisip niyang magandang paraan ito upang ma-recycle ang mga plastic.

‘Yung iba po riyan e binili ko po sa tindahan pang-snacks at yung iba po riyan ay pinulot pulot lang po para ma-recycle at may use po,” paliwanag niya. “Para yung plastic na akala natin ay basura ay puwede pala siyang gawing art.”

Imahe mula sa Instagram | Dingdong Dantes

Natuwa naman ang netizens sa creativity ni James. Ani Ar-jemar A., ito marahil ang naging epekto ng lockdown sa artist.

Ang iba naman, sinabing witty ang Dingdong on DingDong na title ng kaniyang artwork. “Puwede na ito sa dingding,” sabi ni Charls M.

Request naman ng isang netizen, gawan din sana ang asawa ni Dingdong na si Marian Rivera gamit naman ang lid ng snack na Yan Yan. “Kay Tita Marian naman ay yung Yan Yan na chocolate,” ani Khalil M.

Nagbibiruan din ang iba na miyembro sila ng DDS o Dingdong Dantes Supporters. Matatandaang naging game noon ang aktor nang mag-trending siya dahil sa mga meme ng photoshopped niyang mukha sa iba’t ibang senaryo. Ibinahagi niya pa noon kung alin ang paborito niya. “And the winner is… Dingdong Done Test!” aniya.

Loading…