“Disbobedient” na foreigner ng Dasmariñas Village kinasuhan na, maituturing na undesirable alien ayon sa Immigration

  • Kinasuhan na ng pulisya ang Spanish national na si Javier Parra ng Dasmariñas Village sa Makati City
  • Disobedience to a lawful person in authority; unjust vexation; resisting arrest; paglabag sa city ordinance sa pagsusuot ng face mask; at paglabag ng Republic Act 11332 kaugnay ng ipinatutupad na quarantine regulation ang ikinaso sa kanya
  • Matatandaang kinompronta ni Parra ang law enforcer na sumita sa kanyang maid na walang suot na face mask

Kinasuhan na ng Makati City Police si Javier Salvador Parra, ang Spanish national na residente ng Dasmariñas Village sa naturang lungsod, matapos niyang konprontahin ang law enforcer na sumita sa kanyang maid na walang suot na face mask.

Imahe mula kay Javier Parra

Sinabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield, na nagtungo na sa prosecutor’s office ang mga opisyal ng Makati City Police upang kasuhan ang banyaga.

“Kausap ko lang actually itong ating chief of police ng Makati City police station Roger Simon, at ngayon ay nasa office of the prosecutor  para i-file ‘yung kaso dito po sa foreigner,” sabi ni Eleazar sa isang panayam.

Aniya, sasampahan si Parra ng mga reklamong disobedience to a lawful person in authority; unjust vexation; resisting arrest; paglabag sa city ordinance sa pagsusuot ng face mask; at paglabag ng Republic Act 11332 kaugnay sa ipinatutupad na quarantine regulation.

Ayon naman sa isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI), maaaring ituring si Parra bilang “undesirable alien” kung siya ang dahilan ng gulo at pinsala sa komunidad.

“Kung ‘yung stay niya dito is nagiging risk na to public safety, to the public health, and to the people around him – lalong-lalo na ‘yung mga foreign nationals who disregard our laws at saka hindi rumerespeto sa persons of authority – that can be considered as undesirable,” pahayag ni BI Spokesperon Dan Sandoval.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng Philstar

Ani Sandoval, hindi na kailangan ng reklamo mula sa mga kapitbahay ni Parra upang maituring siyang undesirable dahil nagsagawa na raw ng sariling imbestigasyon ang BI.

Maglalabas ang BI ng update sa kaso ngayong linggong ito, ayon pa kay Sandoval.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…