“Discipline is the Key!”: Netizen ibinida ang pagsunod sa ECQ ng mga taga–Baguio City

  • Ibinida ng isang residente ng Baguio City ang mahigpit na pagsunod nila sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine
  • Ipinagmamalaki ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mahigpit nilang ipinatutupad ang  precautionary measures tulad ng social distancing
  • Tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” ang Baguio City 

Isa sa mga matataong lugar dahil dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista tuwing summer ang Baguio City sa Benguet. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong “Summer Capital of the Philippines”. Subalit sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon upang mapigilan ang paglaganap ng COVID–19, tila nakapaninibagong makitang halos walang naglalakad na mga turista sa dati nang dinadagsang mga tourist spots.

Ibinida ng isang taga–”City of Pines” na nagngangalang sa kaniyang “Clay Martin Pablo” at itinampok din sa Facebook page na “Baguio City Digest” ang katibayan na naging masunurin ang mga taga Baguio City sa pagpapatupad ng ECQ. Makikita sa mga larawang ibinahagi niya na walang katao–katao sa mga lansangan nito.

Imahe mula sa Facebook page na Baguio City Digest

“Discipline is the key! Good job Baguio!!! We are being rewarded because this is the 9th day that no confirmed cases recorded. Recoveries are rising while COVID-19+ cases are going down. Keep up the cooperation,” ayon sa caption.

Umani naman ito ng mga komento mula sa mga netizens.

“Congratulations all people of Baguio City for being well–disciplined. Maybe, it’s because of the leadership of Mayor Magalong. My salute and gratitude! Yaman kakailian,” sabi ng isa.

Turan ng isa, “Goes to show that Baguio residents are very disciplined and that also, the flock of tourists make this little city populated.”

“We thank God and all the people in Baguio for this…but let us not be too confident and complacent on this. Tuloy lang po pag–iingat natin. We expect that once na ma–lift ang ECQ, magdagsaan ulit ang mga turista rito. Iyan po ang crucial period because we expect that many of these tourists will come from areas with positive cases,” paalala naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Baguio City Digest

As of April 8, 2020, sa loob ng sampung araw ay wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa Baguio City, na ipinagmamalaki ng kanilang mayor na si Mayor Benjamin Magalong. Mahigpit umano nilang ipinatutupad ang  precautionary measures tulad ng social distancing.

Kudos sa mga taga–Baguio City! Pinatunayan ninyong discipline is the key!

Loading…