DOH, naglabas ng bagong COVID-19 classification

Imahe mula sa Facebook | Department of Health
  • May bago nang klasipikasyon ng mga COVID-19 patients mula sa Department of Health
  • Mula sa person under investigation at person under monitoring ay ginawa na nila itong suspect, probable, at confirmed
  • Ipinaliwanag nila ang pagkakaiba ng mga ito sa kanilang opisyal na Facebook page

Naglabas ng bagong klasipikasyon ang Department of Health (DOH) para sa mga pasyente ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Facebook | Department of Health

Sa ilalim ng Administrative Order No. 2020-0013, pinalitan ang “persons under monitoring” at “persons under investigation” ng “suspect,” “probable,” at “confirmed.”

“Due to the recent developments related to COVID-19 health event, the case definitions and surveillance system for notification of COVID-19 should be revisited and updated regularly,” ayon sa inilabas na administrative order.

“The availability of additional epidemiological information on COVID-19 further directs the Department of Health on how we detect, confirm, and report cases in the country.”

Sa opisyal na Facebook page ng DOH, sinabi nilang ituturing na suspect case ang mga sumusunod:

(a) May influenza-like illness tulad ng lagnat at ub0 o pananakit ng lalamunan; naglakbay o nanirahan sa isang lugar na may local transmission ng COVID-19 14 araw bago magsimula ang sintomas; at close contact sa confirmed o probable na kas0 ng COVID-19 14 na araw bago lumabas ang sintomas.

Imahe mula sa Facebook | Department of Health

(b) May lagnat, ub0, o hirap sa paghinga; may edad 60 pataas; health worker; maselan ang pagbubuntis; may karamdaman.

(c) May sakit sa baga at malubhang sintomas na hindi matukoy ang dahilan.

Samantala, ituturing naman na “probable” kapag una na siyang na-tag na “suspect” at hindi pa tiyak ang resulta ng testing o hindi ginawa ang test sa opisyal na laboratoryo na gumagawa ng RT-PCR test.

Confirmed case naman kapag nagpositibo sa PT-PCR testing.

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon hanggang sa katapusan ng Abril upang mapigilan ang pagdami ng kas0 ng COVID-19. May mahigit 4,000 kas0 na nito sa bansa.

Source :

Facebook, DOH

Loading…