DOH nangangailangan ng P5.2 billion budget para sa hiring ng higit 17,000 health workers

  • DOH nagsumite ng P5.2 billion budget proposal para sa pag-hire ng 17,757 health workers
  • Ang mga maha-hire na health workers ay ide-deploy sa mga priority health facilities
  • Abala ang DPWH sa pag-convert ng mga evacuation centers upang magamit bilang quarantine facilities, emergency operation centers, food hubs at pansamantalang matutuluyan ng mga health workers

Nangangailang ng P5.2 billion ang Department of Health (DOH) para sa gagawing hiring ng mahigit 17,000 health workers na itatalaga sa mga priority health facilities para sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Imahe mula sa DOH

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, naipasa na ng DOH ang budget proposal sa Department of Budget and Management (DBM) noong ika-15 ng Abril.

“The DOH submitted to the DBM the P5.2 billion budget proposal for the hiring of additional 17,757 personnel for COVID-19 response to be deployed in priority health facilities,” pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ikaapat na weekly report na isinumite sa Kongreso hinggil sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Kabilang sa mga binanggit ng Presidente na priority health facilities ang Dr. Jose N. Rodriguez Hospital and Sanitarium, Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital, at the Research Institute for Tropical Medicine.

Ayon pa sa report ng Pangulo, 693 government at private hospitals na may kabuuang 8,714 beds ang ginawang COVID-19 referral facilities na ginagamit na ngayon ng mga pasyenteng infected ng coronavirus disease.

“To augment the capacity of health facilities, the government has been constantly expanding its capacity and preparedness to address the expected surge in Covid-19-related cases through conversion of facilities and properties into quarantine centers, particularly in the National Capital Region,” anang Pangulo.

Screenshot mula sa video ng RTVM

Abala rin umano ngayon ang Department of Public Works and Highways sa pag-convert ng mga  evacuation centers upang magamit bilang quarantine facilities, emergency operation centers, food hubs at pansamantalang matutuluyan ng mga health workers.

Loading…