DOH official sinabing siya si PH 2721, ibinahagi ang pakikipaglaban sa COVID-19

Imahe mula sa DOH
  • Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinihagi ng isang DOH official na siya si PH 2721
  • Ibinahagi niya na bukod sa virus ay kinailangan niya ring labanan ang panic at stress lalo na at mas maraming naitatalang kaso ng namamatay kaysa nakaka-recover noon
  • Ngayong naka-recover na, hiling niyang huwag sanang i-discriminate ang mga frontliners at mga pasyente

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Charade Mercado Grande na siya si PH 2721.

I-click ang imahe upang makita ang buong larawan

Kuwento niya, pangangati ng lalamunan at sipon ang unang mga sintomas na kaniyang naranasan. Nang sumunod na araw ay nagsimula na siyang manghina at makaramdam ng pananakit ng katawan na sinundan pa ng lagnat at panlalamig.

Nang makumpirma na positibo siya sa COVID-19 ay agad niyang tinawagan ang kaniyang pamilya at iba pang mga nakasalamuha.

“I immediately informed my husband. Bagama’t matagal-tagal na rin akong hindi umuuwi sa bahay dahil sa takot ko sa posibility na macontaminate ang aking pamilya habang ako ay nag rereport sa trabaho,” pag-amin niya. “I was praying, Lord, sana po ako lang.”

Sunod niyang sinabihan ang mga naka-meeting at nakasalamuha niya sa trabaho.

Aniya, naging mahirap para sa kaniya ang unang tatlong araw niya sa ospital at bumuti lamang  ang lagay nang malagyan ng dextrose. Sa kabila ng hirap at sakit na dinaranas ay gumagaan ang kaniyang loob kapag nakikita ang mga doctor at nurse na sumusuporta sa kaniyang laban.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

“Kada pasok nila, lagi nilang sinasabi sa akin na ‘wag bumitaw. Laban lang. Si Jerick, ang isa sa mga nurse na nag-alaga sa akin, even gave me a Mama Mary medallion,” dagdag niya.

Aminado siya na bukod sa COVID ay kailangan niya ring labanan ang panic at anxiety attacks, lalo na at mas mataas ang bilang ng deaths kaysa recoveries noong mga panahong iyon.

Naging sandalan niya ang paulit-ulit na pagbabasa ng Psalm 91 na tungkol sa proteksyon na ibinibigay ng Panginoon sa mga nananalig sa Kaniya. Bukod dito ay tumigil din siya sa pagbabasa ng balita tungkol sa COVID-19.

“Kailangan kong mag focus sa healing ng aking katawan at palakasin ang aking immune system. I watched stories of survivors. Nakakatulong, Nakaka-inspire,” aniya.

Ngayong siya ay naka-recover na siya at kabilang na sa mga makapagbabahagi ng kaniyang kuwento upang ma-inspire naman ang kasalukuyang nakikipaglaban dito.

Nakiusap din siya na huwag sanang i-discriminate ang frontliners at mga suspect, probable, at confirmed cases.

“Personal kong naranasan ito kanina after ko ma-discharge. Hindi ako pinapasok sa condo. Naintindihan ko ang tak0t ngunit ‘wag po nating talikuran ang isa’t isa lalo sa panahon ngayon.”

 

Source :

Facebook

Loading…