DOJ nagpadala ng subpoena kay Sen. Koko Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocol

  • Koko Pimentel pinadalhan ng subpoena ng DOJ dahil sa breach of quarantine protocol
  • Nakatakda ang preliminary hearing sa ika-20 ng Mayo 2020
  • Nahaharap si Sen. Pimentel  sa reklamong paglabag sa Republic Act Number 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act

Pinadalhan ng Department of Justice (DOJ) ng subpoena si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III dahil sa paglabag niya sa quarantine protocol nang samahan niya sa ospital ang manganganak na asawa sa kabila ng may sintomas siya ng COVID-19.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Subpoena to Sen. Koko and complainant released today,” mensahe ni Prosecutor General Ben Malcontento sa mga mamamahayag.

Ang preliminary hearing ay itinakda sa ika-20 ng Mayo. Ito ay kung sakaling hindi na umiiral ang enhanced community quarantine sa panahong iyon.

“My lawyers will do what is necessary. I will defer to them,” sabi ni Sen, Pimentel matapos matanggap ang subpoena.

“Just received an Order from the DOJ to appear within 5 days from lifting of ECQ and to file hard copy of Complaint vs Koko Pimentel together with Annexes and to swear under oath,” sabi naman ni  Quicho.

Nahaharap si Sen. Pimentel sa reklamong inihain ng abogadong si Rico Quicho, dating dean ng University of Makati School of Law, sa diumano ay paglabag niya sa Republic Act Number 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act nang samahan niya sa Makati Medical Center ang asawa noong March 24, 2020 kahit na sumailalim na siya sa COVID-19 testing noong March 20,2020 at kailangang naka-quarantine hanggang March 28, 2020.

Screenshot ng Facebook post ni Atty. Rico Quicho

Katwiran ni Sen. Pimentel, naabisuhan lang siya na siya ay positibo sa COVID-19 noong nasa ospital na silang mag-asawa. Aniya, agad siyang umalis nang malaman na positibo ang resulta ng COVID-19 test niya.

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…