Don’t be selfish: Doktor na naka-recover sa COVID, hinimok ang mga pasyenteng maging tapat sa travel, medical history

Imahe mula sa GMA News | Christine joy Castillo at VRP Medical Center
  • Nakiusap ang isang doktor na naka-recover mula sa COVID-19 na maging tapat ang mga pasyente sa kanilang history
  • Pinaniniwalaang nahawa siya at ang ilang mga kasama ng isang pasyente na nagsinungaling tungkol sa kaniyang history
  • Sa kabila ng karanasan ay babalik daw siya sa front line kapag tuluyan na siyang gumaling

Matapos na maka-recover mula sa COVID-19 ay nakiusap ang isang doktor sa mga pasyente na sana ay maging tapat sila sa kanilang medical at travel history.

Imahe mula sa GMA News

Pinaniniwalaang nahawa si Dr. Christine Joy Castillo at tatlong iba pang kasamahan sa isang pasyente na hindi nagsabi ng totoo niyang history.

“‘Yong patient kasi was hirap huminga that time so we have to support him by inserting a tube sa bibig. Siyempre kasi irritation siya sa lalamunan, uubo talaga siya nang uubo. He denied his history so hindi namin alam na PUI siya or may exposure siya,” ani Dr. Castillo sa isang panayam sa GMA News.

Paliwanag ng doktora, hindi dapat tinatago sa kanila ang ganitong mga impormasyon. “Nainis ako, siyempre, like any other doctor would feel, kasi history is a very vital part to treat a patient.”

Imahe mula sa GMA News | Christine Joy Castillo

Ngayon ay unti-unti nang nakalalakad nang walang pag-alalay si Dr. Castillo sa tulong na rin ng rehabilitation exercises. Hinihintay pa ang ikalawang negative result niya upang muli siya makabalik sa pagseserbisyo.

Ngunit mariin niyang pakiusap sa mga pasyente, “Dont be selfish. Isipin din nila yung ibang tao.”

Sinabi noon ni Department of Health Spokesperson Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan kung bakit nahahawa at kalaunan ay pumapanaw ang mga doktor ay ang kakulangan ng impormasyon tungkol sa pasyenteng kanilang nakakasalamuha.

“Some of them (doctors) died because their patients were not able to disclose their full information, thereby giving them that increased risk that’s why they got infected and eventually died,” paliwanag ni Vergeire sa CNN.

Source :

GMA News, YouTube, CNN

Loading…