‘Double 55’ makabuluhang numero sa pagdiriwang ng kaarawan ni VP Leni Robredo

  • Ipinagdiwang ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang ika-55 kaarawan
  • Naging mas makabuluhan pa ito dahil umabot sa halos ?55.8 milyon ang nalikom nilang donasyon para sa mga frontliners
  • Labis ang pasasalamat ni Robredo sa mga bumati at patuloy na sumusuporta sa kaniyang magagandang adhikain lalo na sa panahon ng COVID-19

Bukod sa mga pagbati, suporta, at pagmamahal na natanggap ni Vice President Leni Robredo sa kaniyang ika-55 kaarawan (Abril) ay lalo itong naging makabuluhan dahil umabot sa mahigit ?55 milyon ang nalikom na pondo ng kaniyang tanggapan bilang tulong sa ating mga frontliners.

As of 6:00 pm noong Abril 21, 2020 ay umabot na sa mahigit ?55.8 milyon ang nalikom na halaga para sa mga frontliners. Ito ay mula sa pinagsama-samang donasyon ng Office of the Vice President (OVP), mga nagpadala sa pamamagitan ng online donation, at ng Kaya Natin Movement.

Imahe mula sa Facebook account ni VP Leni Gerona Robredo

“55 @ 55,” ayon pa sa isang Facebook status ni Robredo.

Ang patuloy na nadaragdagang donasyon ay tanda lamang kung gaano pinagkakatiwalaan ng nakararami ang tanggapan ng vice president.

“Happy bday, VP! Anlaki ng nalikom nyong funds for the frontliners. Ibig sabihin, nagtitiwala sa inyo ang mga donors na makakarating talaga ang kanilang suporta sa mga dapat suportahan. Stay safe and enjoy your special day!” ayon kay Ogie Diaz, isa sa mga nagkomento sa Facebook post ni Robredo.

Sa tulong ng social media at ng teknolohiya, maraming birthday greetings ang natanggap ni Robredo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sa pamamagitan naman ng isang Facebook video, ipinaabot ni Robredo ang taos-puso niyang pasasalamat sa lahat ng mga bumati at sumusuporta sa kaniyang magandang adhikain lalo na ngayong patuloy na ipinatutupad ang community quarantine.

“Sa lahat po ng nagpaabot ng pagbati sa text, sa WhatsApp, sa Viber, sa Telegram, sa Facebook, sa Instagram, sa Twitter, maraming-maraming salamat sa inyo!” pahayag ni Robredo.

Imahe mula sa Facebook page ni VP Leni Robredo

Ang mga nalilikom nilang pondo ay inilalaan sa pagbili ng mga personal protective equipment sets at ng food and care packages na ipinamamahagi nila sa mga frontliners, sa mga ospital, at sa mga apektadong komunidad.

Panoorin ang Facebook video ng pasasalamat ni Robredo:

[A] WATCH: Mensahe ng pasasalamat mula kay VP Leni Robredo—"Naging meaningful po iyong aking kaarawan dahil sa pagpaabot niyo ng pagbati at pagmamahal."

Posted by VP Leni Robredo on Thursday, April 23, 2020

Loading…