Dra. Carmina Fuentebella bumubuti na ang lagay; Kaanak nagpasalamat sa mga panalangin

Imahe mula sa Facebook | Rj Palad
  • Gumagaling na ang resident doctor sa UST Hospital na si Dra. Carmina Fuentebella
  • Nagpasalamat ang kaniyang pinsan na unang nanghingi ng panalangin para sa 26 anyos na doktora na noon ay nasa kritikal na kalagayan
  • Hiling niya rin ang patuloy na dasal para sa iba pang frontliners na tinamaan ng COVID-19

Bumuti na raw ang lagay ng 26 anyos na doktor na si Dra. Carmina Fuentebella na unang napabalitang nasa kritikal na kondisyon dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Rj Palad

Sa isang Facebook post ay sinabi ng pinsan nitong si Rj Palad na nasa ospital pa ito at nagpapalakas. “Dr. Carmina Fuentebella is on her way to complete recovery. She is still in the hospital regaining her strength, but we are almost out of the tunnel,” aniya.

Nagpapasalamat din ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa lahat ng mga nagdasal para kay Dra. Carmina, gayundin sa mga health workers na nag-asikaso rito.

“We are also eternally in debt to the doctors and nurses who made sure that she gets to where she is now. You are all blessings to the whole family,” aniya. “We can’t thank you all enough for the spiritual and emotional support.”

Imahe mula sa Facebook | Rj Palad

Hiniling niya rin ang patuloy na panalangin lalo na para sa iba pang mga frontliners na tinamaan din ng COVID-19.

“Let us not forget to also pray for all the people most especially the frontliners, who are going through the same ordeal. May all of them receive our Lord’s blessings.”

Matatandaang bumuhos ang panalangin para kay Dra. Carmina, isa sa mga resident doctors na UST Hospital na noon ay naka-intubate.

“Lord, please heal Dra. Carmina Fuentabella who is critically ill. Restore her good health so that she may continue serving You and her fellowmen who are also sick. You are the Divine Healer and the Greatest Physician and I believe that nothing is impossible with you,” panalangin ng netizen na si Edna V.

Loading…