Dual shock: Kenya nahaharap sa bilyon-bilyong pesteng locusts sa gitna ng COVID-19 pandemic

  • Kenya, nahaharap sa dalawang problemang dala ng mga pesteng locusts at COVID-19
  • Maraming pananim na ang sinira ng mga locusts
  • Dahil sa COVID-19 ay naapektuhan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan na mapuksa ang mga peste

Unang dumagsa sa Kenya ang napakaraming pesteng locusts o balang noong Disyembre ng nakaraang taon. Mula sa Somalia ay tumawid sa Kenya ang mga salot na insektong nananalasa sa mga pananim ng mga magsasaka.

Imahe mula sa Quartz Africa

Sinira na ng mga pesteng balang ang mga pananim sa 26 out of 47 counties ng bansa.

Noong January 2020 sinimulan ng Kenyan government na kontrolin ang paglaganap ng mga locusts ngunit dahil sa banta ng coronavirus disease ay naapektuhan ang importasyon ng mga pesticides at mga equipment.

Dahil sa dalawang problemang kinahaharap, nanganganib na magkaroon ng food shortage sa bansa.

Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization, lubos na nakaaalarma ang sitwasyon sa Kenya kung saan nagpapatuloy ang breeding ng mga locusts at ang mga bagong “swarm” ng mga ito ay unti-unti nang nabubuo.

Sa pagtataya ng United Nations, dahil sa mga nagdaang pag-ulan ay naging maganda ang kondisyon ng breeding ng mga locusts kaya inaasahang mas dadami ang mga ito ng 400 times ngayong taon, na tiyak na pupuksa sa mga pananim sa rehiyon.

Ang problema sa locusts ay pinalala pa ng health crisis na dala ng coronavirus.

Imahe mula sa Al Jazeera

Sa kabila ng mga hamon na dala ng locusts at COVID-19 na nagpapahirap sa kanilang kalagayan, ang pagdating ng bagong planting season ay nagbigay ng pag-asa sa mga Kenyans.

Sa western at central Kenya na nakararanas ng pag-ulan, ang mga magsasaka ay nagsimula nang magtanim.

Ang mga magsasaka naman sa north Kenya, kung saan nananalasa ang mga balang, ay piniling maghintay ng tamang pagkakataon.

Sa kabila ng banta ng COVID-19 (may 31 confirmed cases sa Kenya), hindi naman tumitigil ang pamahalaan sa ginagawang hakbang upang mapuksa ang mga pesteng balang.

Source :

CNBC, FAO

Loading…