ECQ posibleng umabot pa hanggang sa June – Sen. Ping Lacson

  • Naniniwala si Sen. Ping Lacson na aabot pa sa June 2020 ang ECQ
  • Wala pa raw kasing mass testing na ginagawa sa bansa
  • Sa pinakahuling tala ng DOH noong April 26, 2020 alas-kwatro ng hapon, ang total number ng COVID-19 cases ay 7,579

Naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na posibleng umabot pa hanggang sa buwan ng Hunyo ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Imahe mula sa PNP

Wala pa raw kasing mass testing na ginagawa sa bansa at ang vaccine na na-develop sa Japan na kasalukuyang isinasailalim sa testing ay sa June pa makikita ang resulta.

“At the earliest (June) sa tingin ko kasi hindi natin nakikita, wala pa tayong massive testing na ginagawa eh,”pahayag ni Sen. Lacson nang kapanayamin sa radyo at telebisyon.

Sabi niya, bagaman at sinasabi ng Department of Health (DOH) na bumababa ang bilang ng mga pasyenteng hindi nakaliligtas sa COVID-19 ay kapansin-pansin na kaunti lang ang nate-testing ng ahensya.

“Sa atin naman sa Philippine setting, sabi nila bumaba ang deaths. Tapos parang pira-piraso ang tested positive, 200 or 100 plus, bakit? Ang tine-test natin kakaunti,” sabi ni Lacson.

“Ilan na ang na-test? While nagre-report ang DOH, ito ang number of deaths, ito ang naka-recover, ito ang tested positive, hindi naman nila sinasabi sa atin ilan ang base number. Minsan sabi nila 55,000,” dagdag pa ng senador.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ping Lacson

Sana raw ay magbigay ang DOH ng report kung ilan ang bilang ng suspect, probable at confirmed sa COVID-19 upang malinaw na makita kung nag-flatten na ang curve ng COVID-19.

“Sana binibigyan tayo ng ganoon para bigyan tayong publiko ng clearer view kung may basehan ba ang sinasabing o malapit na ma-flatten ang curve, medyo kontrolado natin. How can we say that na kontrolado natin kung tine-test natin kakaunti?”  tanong ni Sen. Lacson.

Sa pinakahuling tala ng DOH noong April 26, 2020 alas-kwatro ng hapon, ang total number ng COVID-19 cases ay 7,579, ang recoveries ay 862 at ang hindi nakaligtas ay 501.

Imahe mula sa DOH

Loading…