ECQ sa Metro Manila at iba pang high-risk areas extended hanggang May 15

  • Extended hanggang May 15, 2020 ang ECQ sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at iba pang high-risk areas
  • Ang mga moderate-risk at low-risk areas ay isasailalim sa general community quarantine
  • Nagbabala ang WHO na ang agarang pag-aalis ng ECQ sa bansa ay posibleng magresulta sa 2nd wave ng COVID-19 infections

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna Batangas, Rizal, Quezon) at iba pang high-risk areas sa Luzon hanggang May 15, 2020.

Imahe mula sa PNP

Kabilang sa mga itinuturing na high-risk areas, batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang Pangasinan, Benguet, Mindoro island, Albay at Catanduanes.

Ang mga moderate-risk areas ay ilalagay sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa ika-15 ng Mayo rin, ngunit isasailalim sa re-evaluation.

Ang mga low-risk areas naman ay ilalagay sa hindi gaanong mahigpit na GCQ hanggang May 15. Maaari pa itong lalong paluwagin kung hindi lalala ang sitwasyon, ayon sa task force.

“If there is no deterioration, GCQ will be relaxed leading to normalization,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo, ang desisyon na palawigin pa hanggang May 15 ang ECQ ay narating matapos ang serye ng pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa task force. Nauna nang inirekomenda ng mga health experts na hindi kailangang isailalim sa mahigpit na quarantine ang buong Luzon.

Imahe mula a Journal

Ang World Health Organization ay nagbabala rin noon laban sa agad na pag-aalis ng quarantine restrictions sa bansa dahil posible umano itong magresulta sa 2nd wave ng COVID-19 infections.

As of April 23, ang total number ng COVID-19 cases sa bansa ay 6,981. Umabot na sa 722 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling at 462 naman ang hindi nakaligtas.

Loading…