Engineer ibinahagi ang isang artwork para sa mga graduates ng batch 2020

  • May inialay na artwork ang isang engineer para sa lahat ng graduates at completers ng batch 2020
  • Gawa ito ng isang debuhistang netizen
  • Nagpaabot ng pabati ang mga netizens sa kani–kanilang mga mahal sa buhay na “napagkaitan” ng pagkakataong makapagmartsa sa entablado at tanggapin ang diploma ng pagtatapos

Halos lahat ay naapektuhan ng paglaganap ng pandemyang COVID–19, magmula sa iba’t ibang mga industriya, hanggang sa mga tipikal na gawain ng tao tulad ng pamamasyal ay “ninakaw” ng naturang sakit. Isa na riyan ang moment na pinakahihintay ng mga magtatapos sa pag–aaral ngayong 2020—ang pagmartsa sa entablado, pakikipagkamay, at pagtanggap sa diploma bilang katunayan ng pagtatapos o graduation.

Kaya naman, itinampok ng netizen na si “Engineer Dee” sa kaniyang Facebook post ang isang “graduation artwork” na likha ng isang nagngangalang “Charles Novo” na inialay niya sa mga graduates at completers ng batch 2020, na hindi mararanasan ang seremonya dahil nga sa krisis na pinagdaraanan ngayon ng bansa, at buong mundo.

Imahe mula sa Facebook account ni Engineer Dee

Ayon sa kaniyang caption, “If you are one of those who are supposed to go up the stage and receive that hard-earned diploma, still, celebrate with pride that you’ve made it. The ceremonies can wait. Congratulations to all graduates of batch 2020!”

Naantig naman ang kalooban ng mga netizens sa larawan. Nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“To all candidates for graduation and completion Grade 10), for sure we will have the CEREMONIES  if time permits us and if you will cooperate/follow the directives of the government. This is for everyone. STAY HOME AND KEEP SAFE,” mensahe ng isa.

Sabi naman ng isa, “Congratulations pa rin sa lahat ng mga ga–graduate and completers sa buong Pilipinas! Hindi man kayo nakapagmartsa ngayon, darating din ang pagkakataon na hindi lang kayo ang ga–graduate, kundi maging ang lahat ng mga naging biktima at frontliners na nakipaglaban sa COVID–19. Ang we will patiently wait for that!”

“You have to claim it guys! Ga–graduate din tayo sa krisis na ito, with flying colors!” pagbibigay–pag–asa naman ng isa.

Ayon sa DepEd, ibinibigay nila ang discretion sa mga paaralan kung magkakaroon sila ng graduation rites at moving up ceremonies kung sakaling tuluyan nang matapos ang krisis na kinahaharap ng bansa.

Imahe mula sa Definitely Filipino News

Samantala, kudos sa lahat ng graduates at completers ng batch 2020!

Loading…