Enhanced Community Quarantine idineklara sa Davao, tricycle at taxi pinayagang bumiyahe

  • Nagdeklara ng ECQ ang Davao na tatagal ng labinlimang araw
  • Tigil-operasyon ang mga jeepney , subalit maaaring bumiyahe ang tricycle at taxi
  • Maaari ding magtinda ang mga ambulant vendors na basic commodities ang paninda

Nagpatupad ng enhanced community quarantine sa Davao noong Sabado, ika-4 ng Abril, upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Imahe mula sa City Government of Davao

Sa kasalukuyan ay may 73 confirmed cases na ng COVID-19 sa buong Davao – 58 sa Davao City, 9 sa Davao del Sur, 3 sa Davao Oriental at isa sa Davao de Oro. Walang kaso ng infection sa Davao Oriental.

Sa ilalim ng ECQ na magtatagal ng labinlimang araw, ang operasyon ng mga jeepney ay ititigil maliban na lang kung arkilado ito ng lokal na pamahalaan o ng mga negosyo na mananatiling nakabukas.

Ang mga pribadong sasakyan, tricycle at mga taxi ay papayagang makabiyahe subalit may ipatutupad na restriksyon sa bilang ng pasahero.

Sa taxi at private cars, dapat ay tatlong tao lang ang sakay – ang driver, isang pasahero sa harap at isang pasahero sa likod. Sa tricycle naman, isang pasahero sa loob ng sidecar, at isa pang pasahero sa likod ng driver. Kailangan nilang sundin ang patakaran ng physical distancing kapag nasa sasakyan.

Imahe mula sa Twitter

Sa executive order na inilabas ni Mayor Sara Duterte-Carpio, ang mga government workers ay sa bahay na magtatrabaho at skeletal workforce lang ang mananatili sa opisina maliban na lang sa mga government workers na may kinalaman sa security, health, social services, sanitation, at disaster – na kailangan ay full operation sa gitna ng ECQ.

Ang mga ambulant vendors na gumagamit ng iba’t ibang uri ng sasakyan ay papayagang magtinda ng basic commodities sa mga barangay.

Ang mga basic commodities na tinukoy ay  bigas, tinapay, karne, poultry, isda, prutas at gulay, mantika, at mga condiments.

Kailangang magdala ng isang ID o food and medicine pass na isyu ng lokal na pamahalaan ang sinumang lalabas ng tahanan. Hindi na kailangan ng ID o pases kapag emergency.

Imahe mula sa City Government of Davao

Loading…