Evergreen: Richard Gomez at Lucy Torres, nagdiwang ng 22nd wedding anniversary sa pamamagitan ng tree planting

  • Nagdiwang ng ika-22 taon bilang mag-asawa sina Richard Gomez at Lucy Torres
  • Naging makabuluhan ang kanilang selebrasyon dahil nag-tree planting sila kasama ang anak na si Juliana
  • Isang clip naman ng kasal nila ang alay ni Lucy para sa wedding anniversary nila ni Richard

Forever ang hinahanap ng marami sa atin. Forever na makakasama sa buhay at magiging katuwang sa anumang hamong haharapin. At sa mundo ng showbiz, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang isa sa mga maituturing na relationship goals.

Ngayong taon nga, 22 taon nang mag-asawa ang showbiz power couple. At bilang pagdiriwang sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, mas pinili ng dalawa na magkaroon ng tree planting session na simbolo raw ng kanilang wagas na pagmamahalan.

Larawan mula sa Instagram post ni Richard Gomez

Sa official Instagram account ni Richard, na mayor din ng Ormoc City, Leyte, ipinakita nito ang simple ngunit makabuluhan nilang tree planting session kasama ang maybahay na si Lucy at nag-iisang anak na si Juliana.

Ayon kay Richard, ang itinanim nilang Dita tree ay isang simbolo ng kanyang ‘evergreen’ na pagmamahal sa misis na si Lucy. Nagpasalamat din siya sa asawa na nagsisilbi raw niyang tanglaw sa kanyang landas bilang isang asawa, ama, politiko, at showbiz personality.

“Today, we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you Lucy. Thank you for being my guiding light,” pahayag ni Richard sa kanyang post na kinakiligan naman ng maraming netizens.

Lucy Torres, ‘fresh’ wedding video ang regalo kay Richard Gomez sa ika-22 taon ng kanilang kasal

Sa sariling Instagram post naman ni Lucy, isang video clip ang ibinahagi niya kung saan makikita ang naging kasal nila ni Richard na napanood pa noon sa ABS-CBN. Sinabi rin ni Lucy ang kanyang sweet na mensahe sa kanyang asawa.

Larawan mula sa Instagram post ni Lucy Torres

Pahayag ni Lucy, liwanag daw ang laging dala ni Richard sa kanila ng anak na si Juliana. Kapag daw kasama niya si Richard, lahat daw ay maganda at makabuluhan.

“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our l0ve story. Thank you for 22, my Richard. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in,” post ni Lucy.

Panoorin ang video clip na ibinahagi ni Lucy sa kanyang IG post:

View this post on Instagram

 

I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in. Backstory of this video: Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in The Sweet Life, a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

Loading…