Ex-heavyweight boxing champ na si Mike Tyson abala sa pag-e-ensayo para sa charity fight

  • Iron Mike Tyson balak sumabak sa isang exhibition fight para sa charity
  • Isiniwalat ni Tyson na abala siya ngayon sa pag-eensayo at pagpapakondisyon ng sarili
  • Si Mike Tyson ang may hawak ng record sa kasaysayan ng boxing bilang pinakabatang boksingero na nakasungkit ng heavyweight title

Ibinunyag ni Mike Tyson, ang dating heavyweight champion na naghari sa boxing world noong 1980s, na kasalukuyan niyang kinukondisyon ang sarili para sa kanyang pagbabalik sa boxing ring matapos magpahinga ng labinlimang taon.

Imahe mula sa Facebook account ni Mike Tyson

Si Tyson, na kilala sa bansag na Iron Mike, ay nagretiro sa pagboboksing matapos ang laban nila ni Kevin McBride noong 2005 kung saan natalo siya sa pamamagitan ng TKO o technical knockout.

Noong 2006 ay sumabak siya sa isang pay-per-view exhibition fight kontra kay Carey Sanders.

Sa gitna ng coronavirus pandemic na nananalasa sa buong mundo, abala sa pag-eensayo at pagpapakundisyon ng katawan ang 53-year-old boxer, na hanggang ngayon ay hawak  pa rin ang titulo bilang ang pinakabatang boksingero na nakasungkit ng heavyweight title sa kasaysayan ng boksing. Bente anyos lang siya nang maagaw niya ang korona mula kay Trevor Berbick noong 1986.

Sa Instagram Live, sinabi ni Tyson sa rapper na si T.I na maganda ang kundisyon niya ngayon.

“I’ve been hitting the mitts for the last week. That’s been tough, my body is really jacked up and really sore from hitting the mitts,” ani Iron Mike.

Screenshot mula sa Instagram Live video ni Troublemaker31

Sinabi niya kay T.I. na plano niyang sumabak ng hanggang apat na rounds sa isang exhibition fight para sa kawanggawa.

“I’ve been working out, I’ve been trying to get in the ring, I think I’m going to box some exhibitions and get in shape. I want to go to the gym and get in shape to be able to box three or four-round exhibitions for some charities and stuff,” aniya.

Gusto umano niyang makatulong sa mga tulad niyang nagumon sa ipinagbabawal na gamot at  sa mga homeless at para kumita na rin ng kaunting pera.

Imahe mula kay Toglenn/CC BY-SA 4.0

Loading…