Face mask holder, ilang relief goods, hatid ng dalawang nag-ala Spider-Man para sa mga frontliners

  • Dalawang netizens ang naghatid ng tulong at saya para sa mga frontliners
  • Maliban kasi sa pagbibihis nila ng costume tulad ng kay Spider-Man, naghatid din sila ng ilang relief goods at face mask holder sa mga health care providers
  • Kinilala naman ang dalawang Spider-man sa larawan na sina Leo Diola at Laurence Nodera

Hinangaan sa social media ang dalawang binata na nagbihis Spider-Man upang maghatid ng tulong at saya sa mga frontliners na nasa ospital.

Imahe mula sa Facebook page ni Spidey Leo

Sa post ng Facebook page na Spidey Leo noong April 19, makikita ang dalawang lalaki na nag-ala Spider-Man habang namimigay ng relief goods at face mask holder sa ilang mga ospital sa Batangas.

Makikita sa larawan ang tuwa ng mga health care providers na nakatanggap ng tulong mula sa dalawang binata.

“Thank you to all the frontliners in the world, for your dedication and sacrifices in the battle against C0VID-19,” sabi nito sa post.

Sa ulat GMA News, kinilala ang mga ito na sina Leo Diola at Laurence Nodera na pawang magkaibigan.

Hindi umano naitago ng mga health care worker ang tuwa sa pagdating ng mga “superhero” sa kanilang ospital dala ang 25 kilos na bigas at mga face mask hook na ginagamit bilang face mask holder.

Ayon pa kay Leo, nakapagbigay na siya noon ng face-shield holder mula sa kaniyang 3D printer kaya naisipan niyang face mask holder naman ang ipamahagi ngayon.

Bago pa man ang paglaganap ng C0VID-19 sa bansa at maging sa buong mundo, iba’t ibang outreach program na ang sinasalihan ni Leo tulad ng pagpunta niya sa mga children’s hospital upang makatulong at magpasaya suot ang kaniyang superhero costume.

Imahe mula sa Facebook page ni Spidey Leo

Marami naman ang nagpahayag ng paghanga sa binata matapos maibahagi GMA News ang kaniyang mga larawan sa social media.

“God bless and ingat idol spidey. At sa ating mga frontliners, saludo kami sa inyo,” pahayag ni PB.

“Good job, Kuya. Isa ka na rin sa mga bayani nating frontliners para sa akin. Wala kang pinagkaiba sa kanila. Sana marami pa dumating sa ‘yong blessing para marami ka pang matulungan. Saludo ako sa mga tulad mo, Kuya Spidey,” sabi ni DP.

“Good job, Spiderman! Keep safe,” paalala naman ni JA.

Loading…