Foreign detainees ng BI pagpipiyansahin para paluwagin ang detention facility dahil sa COVID-19

  • Mga foreign detainees sa pasilidad ng Bureau of Immigration papayagang magpiyansa upang ma-decongest ang piitan
  • Dalawang buntis na detainees ang nakapagpiyansa at ang isa pa ay nai-deport na
  • Ang BI Warden Facility na idinisenyo para sa 140 detainees ay mayroong 418 detainees sa kasalukuyan

Minamadali ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon at ang pagbibigay ng piyansa sa mga foreigners na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng ahensya sa Taguig City upang ma-decongest ito at maiwasan ang pagkalat doon ng COVID-19 infection.

Imahe mula sa PNA

Ayon sa ahensya, gumagawa na ito ng mga hakbang upang mabawasan ang mga inmates sa alien detention center na matatagpuan sa loob ng BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan.

Inatasan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang legal division  ng ahensya na agad resolbahin ang mga deportation cases laban sa mga foreigners upang paliitin ang panganib ng COVID-19 outbreak sa hanay ng mga detainees sa pasilidad.

“We don’t want COVID-19 transmissions to happen in our facility. We will work double-time to deport aliens, especially for the wards that are considered health risks,” sabi ni Commissioner Morente

Dalawang buntis sa detainees na itinuturing na high-risk ay nakalaya na matapos magpiyansa, samantalang ang isa pa ay nai-deport na.

Nilinaw ni BI Spokesperson Dan Sandoval na ang mga itinuturing na “most vulnerable” sa COVID-19 ang papayagan lang na makapagpiyansa. Ang pagpiyansa ay papayagan depende sa merito ng kaso at dadaan pa sa approval ni Commissioner Morente.

Imahe mula sa Foursquare

“Usually, bail is granted for humanitarian considerations,” sabi ni Sandoval.

Ang BI Warden Facility na idinisenyo para sa 140 detainees ay overcrowded na. Mayroon itong 418 detainees sa kasalukuyan na ang karamihan ay mga Chinese nationals.

Wala pa namang detainees sa BI facility ang tinamaan ng COVID-19, ayon kay Sandoval.

Loading…