Foreigner na nakipagtalo sa law enforcer sa Dasmariñas Village sa Makati, turista lang daw?

  • Turista lang sa bansa ang foreigner na nakipagtalo sa isang law enforcer sa Makati, ayon sa isang mambabatas
  • Sinabi ni Rep. Eric Pineda na tourist visa lang ang hawak ni Javier Parra, ang banyaga na sangkot sa insidente sa Dasmariñas Village kaugnay ng ipinatutupad na quarantine guidelines
  • Posibleng overstaying na raw si Javier Parra sa bansa

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang nangyaring insidente sa loob ng Dasmariñas Village sa Makati City noong Linggo, ika-26 ng Abril, kung saan nagtalo ang foreigner at isang law enforcer dahil sa ipinatutupad na quarantine guidelines.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng Philstar

Hati ang reaksyon ng publiko hinggil sa pangyayari. May nagsasabing grabe naman ang ginawa ng police officer na ibinalibag sa lupa ang Spanish national para posasan ito dahil sa kanilang pagtatalo. Mayroon ding nagsasabi na arogante ang banyaga.

Nagsampa na ng kaso laban sa bawat isa ang magkabilang panig. Nakarating na rin sa Bureau of Immigration ang pangyayari at nagsagawa na rin ito ng sariling imbestigasyon matapos manawagan sa kanila si Senator Panfilo Lacson na kung kinakailangan ay dapat agad na i-deport ang banyaga na kinilalang si Javier Parra.

Ani Senator Lacson, walang puwang sa bansa ang aroganteng banyaga.

Kaugnay nito, ibinunyag umano ni 1 PACMAN Partylist Representative Enrico Pineda na si Ginoong Javier Parra ay isang turista lang sa bansa at hindi residente.

Ayon sa ulat ng Bandera, sinabi umano ni Rep. Pineda na tourist visa lang ang hawak ni Ginoong Parra. At kung turista ito ay ipinagbabawal na pumasok sa anumang negosyo sa bansa.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng Philstar

Sa video na kumalat sa social media, maririnig si Parra na nagsabing may 80 Filipino employees siya.

“Mr. Parra was only issued a tourist visa. He may already be overstaying in the Philippines. By his own admission, in the video recording released in social media, Mr. Parra employs 80 Filipinos. That’s a violation of the conditions of his tourist visa which prohibits him from engaging in any form of business while in our country,” sabi ni Rep. Pineda.

Source :

Bandera, Remate

Loading…