“Friendly reminder” sa isang lansangan sa Bohol, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang friendly reminder na inilagay ng Bohol 3rd Engineering Office ng Department of Public Works and Highways o DPWD sa isa sa mga pangunahing lansangan doon
  • Nakalagay sa naturang babala na “With or Without Lovelife, Take Care Always”
  • Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens

Hindi nawawala sa mga lansangan ang iba’t ibang mga paskil, babala, at road sign upang matiyak na napaaalalahanan ang mga motorista sa mga pangunahing patakaran na kailangan nilang isaalang–alang upang matiyak na ligtas ang kanilang pagmamaneho, upang hindi madisgrasya o makadisgrasya ng iba.

Kaya naman imbes na makapagpainit ng ulo, isang babala na makikita sa isa sa mga pangunahing lansangan sa Bohol ang nakapagpapangiti sa mga motorista.

Batay sa Facebook page na “Rant”, nakalagay kasi sa “friendly reminder” ang “With or Without Lovelife, Take Care Always!”.

Imahe mula sa Facebook page na Rant/Public Domain Image

Ang naturang friendly reminder ay nagmula sa Bohol 3rd Engineering Office ng Department of Public Works and Highways o DPWD.

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens na kaniya–kaniyang “hugot” din.

Ayon sa isa, “Always protect yourself para maprotektahan ang sarili. Ano raw? Hahaha. Ibig kong sabihin, tayo lang ang makakapagprotekta sa ating mga sarili. Happiness is our choice.”

“Oo nga naman! Stay safe and healthy everyone! Protektahan ang sarili sa mga taong parang kalye na papadaanin ka nila sa mga buhay nila, tapos malalaman mo, marami palang dumaraan doon hahaha,” sabi ng isa.

Pahayag naman isa, “Yes po! Lagi pong nag–iingat hehehe, lalo na sa mga pa–fall.”

Marami na rin sa mga road signs at mga babalang makikita sa mga lansangan ang nagdudulot ng katuwaan sa mga tao, dahil kung hindi nakatutuwa ang mga mensahe nito, may mga maling baybay o may ipinahihiwatig. Gaya halimbawa ng nakikitang paskil sa mga highway sa Metro Manila na “Drive fast and see our jail” at marami pang iba.

Public Domain Image

Loading…