From Ate to Atty.: Reaksyon ng pamilya sa pagpasa sa Bar ng panganay, trending

Imahe mula sa Facebook | Janna Salvacion
  • Trending ngayon ang reaksyon ng isang pamilya nang malaman nilang pumasa sa Bar exams ang kanilang panganay
  • Mapapanood sa video ang hiyawan at talunan ng mag-anak nang makita nila ang pangalan ni Julienne Therese Salvacion sa listahan ng mga pumasa sa 2019 Bar
  • Maraming netizens ang nagsabing naluha sila sa naging reaksyon ng pamilya

Naantig ang marami sa ibinahaging “precious moment” ng isang netizen nang malaman nilang pumasa ang kaniyang kapatid sa 2019 Bar exams.

Imahe mula sa Facebook | Janna Salvacion

Sa isang Facebook video ay makikitang tinitingnan ng pamilya ni Janna Salvacion ang resulta ng 2019 Bar exams sa Internet. Ilang sandali pa ay nagsigawan at nagtalunan ang mga ito nang makita ang pangalan ni Julienne Therese Salvacion sa listahan ng mga passers.

Maya maya ay lumabas na sa kaniyang kuwarto ang bagong pasang abogado at napaupo na lang sa kagalakan. Nilapitan siya ng kaniyang mga kapatid upang yakapin.

“How our family found out that our Ate Jette is now ATTY. JETTE!” ani Janna sa kaniyang post. “Just thought of sharing this precious moment with you all. Thank you for all your prayers and support,” saad ni Janna sa caption ng video. Habang isinusulat ito ay may mahigit 42k reactions at 12k shares na ang ito.

Bumuhos ang pagbati para kay Atty. Jette na kabilang sa 2,103 o 27.36 percent na pumasa sa 2019 Bar.

Imahe mula sa Facebook | Janna Salvacion

Marami sa kanila ang nagsabing naluha sila sa naging reaksyon ng pamilya sa magandang balitang kanilang natanggap. “Precious moment indeed,” sabi ng isang netizen.

Biniro naman ng isa pang netizen ang pamilya na pang-Universe ang naging reaksyon nila. Matatandaang marami ang nag-trending na reaction videos nang maiuwi ni Pia Wurtzbach ang 2015 Miss Universe crown.

“Omg, so cute. Naiyak ako when you ran to her,” sabi naman ni G. S.

Hindi kagaya ng nakagawiang paghihintay sa labas ng Supreme Court ay sa kaniya-kaniyang tahanan naghintay ng resulta ang mga kumuha ng 2019 Bar dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Panoorin ang nakaaantig na tagpo rito:

Source :

Facebook, PRC

Loading…