Frontliner ibinalot sa plastic ang sarili upang mayakap ang mga anak

Imahe mula sa GMA News | Marlon Villanueva
  • Isa sa mga sakripisyong ginagawa ng mga frontliner na nakikipaglaban sa COVID-19 ay ang malayo sa kanilang mga pamilya
  • Ang ilan, nakikita man ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi naman nila nagagawang yakapin o lapitan
  • Isang pulis ang nagdesisyon na ibalot ang sarili sa plastic upang mayakap at makarga sandali ang kaniyang mga anak

Isa ang mga pulis sa mga frontliner na araw araw ay nalalagay sa alanganin ang kalusugan dahil may tungkulin silang dapat gampanan.

Imahe mula sa GMA News | Marlon Villanueva

Ngunit bukod sa panganib na ito ay kailangan din nilang harapin ang pangungulila sa mga mahal sa buhay. Hindi kasi muna nila mayakap o malapitan man lang ang kanilang pamilya upang proteksyunan ang mga ito mula sa COVID-19.

Isa ang pulis na si Randy Landicho sa mga bihirang makauwi sa kanilang tahanan simula nang isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon noong Marso.

Kamakailan lamang ay hindi na siya nakatiis at gumawa na ng paraan upang mayakap ang kaniyang mga anak. Nagsuot siya ng plastic bago pumasok sa kanilang bakuran. Nang makita pa lamang ang kanilang ama ay nagtilian na ang mga bata.

Salitan niyang niyapos at binuhat ang magkapatid na kapwa nakasuot ng face mask.

Imahe mula sa GMA News | Marlon Villanueva

Marami ang naantig sa eksenang ito. Sa kasalukuyan ay may 11k reactions na ang video ng GMA News.

Sabi ni Rowena C., hindi niya napigilan maluha nang mapanood niya ang video dahil halatang miss na miss ng mga bata at kanilang ama ang isa’t isa.

“As a father, damang dama ko si Kuya. Mahirap ang sakripisyo nila kaya sana sumunod na lahat at ‘wag nang matigas ang ulo,” komento naman ni  Yang Lem.

Sa isang panayam kay Cabinet Secretary Karlo Nograles kung saan ipinanood sa kaniya ang pinagsama-samang video ng mga frontliner na hindi mayakap ang kanilang anak. Naging emosyonal siya rito at nakiusap na tumugon ang lahat sa panawagan ng pamahalaan na sundin ang social distancing at manatili sa bahay.

“Kung maaari, tulungan natin sila dahil hindi naman Superman ang mga ‘yan e. Nagkakasakit, nagkaka-COVID, namamatay. Hindi porke pulis ka, bawal magkasakit, bawal mamatay… Yung mga sundalo natin, lahat yan nagsasakripisyo para sa ating lahat,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…