Frontliner sa Davao nanahi at namahagi ng face masks

Imahe mula sa Facebook | Baguio P0lice Station Davao
  • Hanga ang kaniyang mga kasamahan kay PSSg Sharah Mae Talib dahil sa kabila ng mga responsibilidad nito sa kanilang presinto ay nakatatahi pa ito ng face masks
  • Ibinibigay niya ang mga ito sa mga kasamahan at mga residente ng Baguio District sa Davao
  • Ang telang ginamit sa mask ay donasyon naman ng kapwa niya frontliner

Bukod sa pagiging frontliner ay nakaisip ng iba pang paraan si P0lice Staff Sergeant (PSSg) Sharah Mae Talib ng Baguio P0lice Station sa Davao upang makatulong sa kaniyang mga kababayan.

Imahe mula sa Facebook | Baguio P0lice Station Davao

Nagtahi siya ng 200 piraso ng cloth face masks na kaniyang ibinahagi sa mga kapwa frontliners at sa ilang mga residente ng Baguio District.

Proud na proud ang mga kasamahan ni PSSg Talib dahil sa kabila ng kaniyang mga responsibilidad sa pagiging Women and Children Protection Desk (WCPD) investigator ay naisisingit niya pa ang pananahi ng mga ito.

“PSSg Talib, WCPD Investigator of this station, does not only play a vital role in serving abused women and children but also has the heart to share her talent in this challenging moment that we are facing,” sabi nila sa kanilang opisyal na pahina.

Imahe mula sa Facebook | Baguio P0lice Station Davao

“She sewed 200 pieces of face masks which will be distributed to our modern heroes dubbed as ‘frontliners’ and to the residents of Baguio District.”

Nagpasalamat din sila kay PSSg Michelangela Daquiado, Logistics P0lice Non-Commissioned Officer, na siya naman daw nagbigay ng telang ginamit ni PSSg Talib.

Paalala nila sa mga mamamayan, ugaliing magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay upang maprotektahan ang sarili at mga mahal sa buhay mula sa COVID-19.

Samantala, nagpasalamat ang mga residente sa pagmamalasakit ni PSSg Talib. “Good job! Thank you for caring for the people of Baguio. Kahanga-hanga ang inyong ginawa,” komento ng netizen na si Evelyn N.

Snappy salute para sa iyo, PSSg Talib!

 

Source :

Facebook

Loading…